First Dive

535 17 0
                                    

Meriedeth Salazar

"Meriedeth, wala ka bang plano na lumabas sa kwarto mo?"

Nagtama ang paningin namin. He just sighed and entered my room. Ibinalik ko ang tingin ko sa cellphone ko.

"Maligo ka na at aalis tayo."

"Where are we going, Kuya? Pagod ako."

"Nang magsimula ang bakasyon hindi ka na lumalabas ng kwarto mo!"

"Ano naman gagawin ko sa labas? Correction, lumalabas ako kapag gagamit ako sa banyo at kakain."

"May family dinner sa bahay nila Lola. We need to attend. Aalis na tayo bukas."

"Pwede bang hindi nalang ako sasama?" tanong ko at tiningnan siya.

"Deth, you need to socialize with your cousins."

"Ayoko."

"Kaya sinasabi nilang spoiled ka."

Napabuntong-hininga ako at tumayo. Nakatitig lang si Kuya sa ginagawa ko. Kumuha ako ng damit mula sa cabinet at lumabas na ng kwarto.

Hays.

Bakit ba kasi kailangan ko pang sumama?

Its not like kasama namin sina Mom at Dad, tss. Wala akong choice, ayokong e confiscate niya ang cellphone ko.

"Really? You're wearing that?" tanong ni Kuya ng lumabas ako sa banyo.

"It's not like hindi matutuloy ang family dinner kapag ganito ang suot ko."

"At least wear a dress."

"Ayoko."

"Fine, fine, fine. Let's go."

Kuya made sure na lock ang pinto ng bahay. Sumakay na kami sa sasakyan niya at nagmaneho na siya patungo sa bahay nila Lola.

"No headphones during the family dinner, Meriedeth," pagpapaalala ni Kuya.

"Tss."

"Get along with your cousins, kaedad mo naman sina Marjorie."

"Whatever."

"Paano nalang kung mawala ako? Hindi mo pa rin sila kakausapin?"

Tiningnan ko siya ng masama, ngunit seryoso pa rin siyang nagmamaneho. Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa sinabi ni Kuya.

Huminto ang sasakayan sa harapan ng isang bahay. May mga sasakyan na nakaparada rin sa labas. I can hear music blaring from the speakers nang bumaba ako sa sasakyan.

"Akala ko family dinner. This is a party, Kuya," inis kong sabi.

"It's Melissa's birthday. Kompleto naman tayong lahat, except for Mom and Dad who is not here."

"Tss."

"Marcus!" I heard one of our uncles called my brother.

"Let's go," at inakbayan ako ni Kuya.

I got no choice but to go with the flow. Pagkapasok namin sa gate ay nakita ko ang mga mesa at upuan na naka-arrange. May buffet area rin. Tss.

"Kamusta kayo, hijo? Kumain na ba kayo? Meriedeth, kamusta ka na?" tanong ng isa sa aunties namin.

"Hindi pa kami kumakain, Aunty. Nasaan si Lola?"

"Nasa loob. Pasok muna kayo doon, nandoon sina Melissa sa loob," tuwang sagot ni Aunty.

Ang daming tao, well, birthday party din 'to. Damn it. I hate crowded places, ang ingay. Pumasok na kami sa bahay nila Lola. I can hear laughters from the inside of the house.

Dive #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon