Meriedeth Salazar
"Deth-Deth, kailangan na namin umuwi ni Aunty Rebecca dahil may pasok pa kami bukas," sabi ni Kuya Marcus.
"Ingat kayo pauwi," napakunot ang noo ko dahil inabutan niya ako ng pera. "Para saan 'yan?"
"May allowance ka pa ba? Baka may gusto kang bilhin, like mga souvenirs."
"Kuya, hindi pa ako bumibili. Iipunin ko nalang 'yon."
"Kunin mo na 'to, dagdag allowance mo. Buy anything you want," sabay lagay ng pera sa kamay ko.
"Seriously? Kuya, malaki na ang allowance ko. Kunin mo na ang iba."
Bumuntong-hininga siya at kinuha ang two thousand sa kamay ko, iniwan niya ang three thousand pesos doon.
"Tss. I'll just accept 2k," sabi ko.
"Buy a cake."
"E?"
"Sige na, budget na 'yan. Libre ko sa swimming club."
"Kuya—"
"Wesley!" tawag niya kay Wesley na nakikipag-usap kina Melanie, agad itong lumapit sa amin.
"Bakit po pala, Kuya Marcus?"
"Bumili kayo ng cake mamaya. Don't worry, Meriedeth has the money."
"Hala, Kuya Marcus, wag na po. Nakakahiya, sobra-sobra na po ang ginawa niyo para sa club."
"Wag ka nang mahiya. Basta, bumili kayo ng cake mamaya," he tapped Wesley's shoulder at tiningnan ako.
"Una na kami, Deth-Deth," sabay yakap sa akin at halik sa pisngi ko, napailing nalang ako dahil sa ginawa ni Kuya.
"Ingat kayo," sabi ko sakanila.
"Ang sweet talaga ng Kuya mo, Salazar," sabi ni Shelanie habang nakangiti.
"Clingy 'yon. Iyakin din."
"Parang hindi naman, ah. But, he is sweet. Inaalagaan ka niya ng mabuti, Salazar."
"Because he has too," sabi ko at inayos ang jacket ko. Nagpalit na ako ng damit kanina pero malamig pa rin.
"Nasaan pala Mama at Papa mo? Hindi sila nanood sa games mo, Salazar."
Napalingon ako kay Shelanie. Nakita kong napatingin si Eryx at Rovic sa aming pwesto. Napakurap ako ng ilang beses bago siya sinagot.
"Let's not talk about them," kalma kong sagot.
"Oh, sorry. I didn't mean to, hindi na mauulit. Sorry."
"Ayos lang, wag lang natin sila pag-usapan," she nodded at did a salute.
"Guys, balik na tayo sa hotel para kumain ng lunch at magpahinga," sabi ni Wesley.
We all agreed, pagod kaming lahat. Naglakad na kami papunta sa hotel. Sabi ni Miss Morales we should rest for the rest of the day dahil may activity kaming gagawin bukas.
Psh. Ano naman kaya 'yon? Gusto ko matulog buong araw bukas. Tss.
Kumain kami ng lunch sa restaurant sa baba ng hotel. Everybody is smiling and talking about what happened earlier, during the race and victory.
"Grabe, kinabahan talaga ako kanina, naunang tumalon yung mga katabi ko! Akala ko talaga hindi ko sila mauunahan," pagkukuwento ni Rovic habang kumakain ng porkchop.
"Pasensya na talaga, Kuya Rovic. Mabagal akong lumangoy," sabi naman ni Jazrill.
"Ay naku, wag kang maging malungkot diyan! Pasok na tayo sa nationals. Training pa at maipapanalo natin ang nationals!"
BINABASA MO ANG
Dive #Wattys2021
Teen FictionMeriedeth Salazar, a teenage girl who believes that it's better to distance herself from everyone and does not want to get involve with the water ever again since an accident that happened in the past. She swears that she'll never swim again. But...