Fifth Dive

307 17 0
                                    

Meriedeth Salazar

"Meriedeth, may lakad ako. Lumabas ka diyan sa kwarto mo," rinig kong sabi ni Kuya.

Palabas ako ng kwarto ko, nagtama ang paningin namin.

"Lumabas ka diyan."

"Kukuha lang ako ng snack sa ref."

"Oh," sabay abot ng three thousand, tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano 'yan?"

"Allowance. Baka may gusto kang bilhin."

Kinuha ko ang pera mula sakanya. May mga bilin pa siya at umalis na. Ano ba ang gagawin ko sa 3k?

I'm wearing my black jeans, black tshirt and a black hoodie. Nagrubber shoes din ako. Dala ko wallet at cellphone ko, also my headphones. Nagcommute ako papuntang mall.

I walked around the hallways of the mall. Tumitingin sa mga paninda na nakadisplay habang nakikinig ng kanta. Bumili ako ng chocolate shake sa isang stand at nagpatuloy sa pag-ikot sa mall.

Oh, may magandang bucket hat, magkano kaya?

Inubos ko muna ang shake na iniinom ko bago pumasok ng store.

Limited edition! Grab yours now!

Hmmm. Mukhang, limited talaga, tapos isa nalang nakadisplay. I grabbed it para tingnan sana kaso may nakahawak sa kabilang dulo, napatingin ako sa humawak.

Ang talim ng titig niya, his wearing an all black attire, black longsleeves, black jeans and black shoes. I felt him pulled the hat towards him pero hinila ko naman palapit sa akin.

"Akin 'to, Miss."

"I'm the first one who grabbed it, Mister."

"No, ako ang una. So, let it go," matigas niyang sabi.

"No, you let go," matigas ko rin na sabi at tinaasan siya ng kilay.

Ngayon lang ako nagkainteres sa isang bagay, may kaagaw pa. Tsk.

"Akin 'to, bibilhin ko 'to!"

"No, I'm the one who's buying it!"

Walang nagpapaawat sa amin. Biglang may humawak sa kamay ko at kamay niya, napatingin kami sa isang saleslady.

"Ma'am, Sir. Baka masira po yung product. Limited po 'yan, at wala ng stock. Sorry, po."

Napatingin ako sa lalaki, wala siyang plano na bitawan at ang talim ng titig niya sa akin. Tss. I shoved it to his chest. I heard him gasped in disbelief.

"Bilhin mo na, baka umiyak ka pa diyan."

Iniwan ko silang nakatulala doon. Tss. Nastress ako doon. Gusto ko sa bucket hat na 'yon! Bakit ba kasi wala ng stock?!

Bumalik ako sa bahay na may dalang pizza and ice-cream. I just enjoyed myself in my room. Pero, naaalala ko pa rin ang bucket hat na 'yon. Nakakainis!

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil klase na. May pinag-usapan pa kami ni Kuya kaya medyo natagalan ako.

Pagdating ko sa classroom, napataas ang kilay ko habang papunta ako sa upuan ko. May nakaupo doon at masayang nakikipagkuwentuhan kay Eryx at Shelanie.

Habang palapit ako ay doon ko napansin na lalaki siya. Hindi ko kasi makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya at nakabucket hat din.

Bucket hat.

Damn.

Nagtama ang paningin namin ni Eryx. He looked at the guy at magsasalita sana pero may sinasabi pa kasi yung lalaki.

Dive #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon