Meriedeth Salazar
Wala na akong choice kung hindi ang umattend sa klase. Akala ko isusumbong ako or sasabihin ni Miss Morales ang tungkol sa hindi ko pag-attend ng klase niya tuwing pupunta sa pool area.
Its been a week mula nangyari ang incident na 'yon. Nagpasalamat si Cheena sa akin dahil sa pagtulong sakanya.
"Salazar, tapos ka na ba?" rinig kong tanong ni Shelanie.
Lumabas ako ng cubicle. Tiningnan ko siya, she's wearing her one piece swimwear too. Nagshower na rin ako at inayos ang buhok ko para sa swimming cap.
"Ayos ka lang ba, Salazar?"
"I'm fine, Shelanie."
Sa indoor pool kami ngayon dahil 5 feet lang 'to, pinagalitan ni Miss Morales yung mga naglaro sa last meeting. May mga sinasabi pa siya, pero hindi ko na naririnig.
Nakatitig lang ako sa tubig sa pool. Gusto kong lumangoy pero, nakakatakot.
Komportable ako sa tubig pero in the same time, nakakatakot. Baka may mangyari na naman na ganun na aksidente tapos wala akong magawa.
Pero, na rescue ko naman si Cheena.
Much better if you'll just distance yourself from the water, Meriedeth.
"Alright, sinong may alam kung paano lumangoy?"
Nagtaasan ng kamay ang iba naming kaklase, isa na doon sina Eryx at Rovic.
"Salazar?" napatingin ako kay Miss Morales.
"Itaas mo kamay mo, Salazar," bulong ni Shelanie.
"Bakit?"
"Alam mo namang paano lumangoy," she raised my hand.
Sabi ni Miss Morales ang aming gagawin ngayon ay yung floating at ang kicking daw. So, kinuha ng mga kaklase naming lalaki yung mga kickboards and pull buoys.
"Students, please wag kayong maglaro. Okay? Nasa klase tayo. Yung mga marunong lumangoy please help me monitor your classmates."
May mga nagtanguan naman. Psh. Nagdiscuss siya tungkol sa mga different strokes. Si Eryx yung pinademo niya sa mga iba't-ibang klase na strokes.
"So, class, freestyle stroke at backstroke muna ang pag-aralan natin ngayon."
Nagsimula yung mga kaklase namin, nakaupo lang ako gilid sa swimming pool habang nakababad ang paa ko sa tubig.
Marunong naman ako, so, bakit pa, diba?
"Salazar," napalingon ako sa tumawag, si Miss Morales pala.
"Yes, po?"
"Maganda raw yung form mo pagdive mo, pwede ko bang makita?"
Napakunot ang noo ko dahil sa tanong ni Miss Morales. Nakita kong pa simpleng sumulyap yung iba naming kaklase. Tiningnan ko si Miss Morales.
"Hindi po ako marunong, Miss Morales. Baka nagkataon lang, hehehe."
Sinungaling pa more.
"Oh, ganun ba. Okay," may mga kinausap siya na mga kaklase namin.
"Talaga bang nagkataon lang 'yon, Shark girl?"
Napalingon ako sa nagsalita, si Rovic pala, ang mukhang kawal. Bumaba ako sa pool, hanggang bewang lang yung tubig.
"Salazar, pwede bang tulungan mo ako sa backstroke?" tanong ni Shelanie.
"Sige."
"Natatakot ako."
BINABASA MO ANG
Dive #Wattys2021
Teen FictionMeriedeth Salazar, a teenage girl who believes that it's better to distance herself from everyone and does not want to get involve with the water ever again since an accident that happened in the past. She swears that she'll never swim again. But...