Fourth Dive

322 16 2
                                        

Meriedeth Salazar

I'm currently sitting in front of Shelanie and we eat lunch. Nandito kami sa classroom. Sabi niya kasi, after namin kumain ay pupunta kami sa club room nila at mag-aattendance lang siya.

I got no choice.

I mean, I can just ditch her. Pero, naaalala ko kasi sinasabi ni Kuya.

Ayoko na nasa iisang campus kami ni Marjorie!

Tss.

"May extra nuggets pa ako dito, Salazar. Baka gusto mo?" alok ni Shelanie.

Napatingin ako sa lunchbox ko, naubos ko na yung ham at veggies na inilagay ni Kuya rito, and I still have some rice left.

"Ayos lang, busog na rin ako."

"Sure? Hindi ko kasi mauubos 'to."

"Wag na-oy."

She just smiled as she put a piece of nugget in my tupperware.

"Thanks," bulong ko and continued eating.

Pagkatapos namin kumain ay inayos namin bags namin at umalis na. I just brought my wallet and cellphone. Naglalakad kami ni Shelanie papunta sa building kung nasaan ang club rooms.

Marami rin kaming tao na nakakasalubong habang papunta roon. When we arrived sa club room nila, hinintay ko lang si Shelanie sa labas.

Isinaksak ko ang headphone ko sa magkabila kong tenga at nakinig ng kanta. Nakatingin lang ako sa baba, nasa third floor kasi kami. Nararamdaman ko ang simoy ng hangin.

Tinanggal ko ang isang headphone ko ng may naramdaman akong tumapik sa akin, si Shelanie pala.

"Pasensya na, masyado akong natagalan. May instructions pa kasi na sinasabi si President. Let's go?"

I just nodded. Bumaba na kami ng building. Niyaya ako ni Shelanie na pupunta muna sa cafeteria. Magdadala siya ng snacks.

"Dami naman niyan," I commented. Kasi, inilagay na ng tindera sa isang plastic bag.

"Inutusan kasi ako. Gusto mo?" sabay abot ng box ng peperro.

"Busog ako."

"Take it. Please, Salazar."

"Fine, thanks," she gave me a smile as I took the box from her.

We walked towards the pool area. Medyo mainit pero ayos lang, as if I have a choice.

Habang palapit na kami sa entrance ng pool area ay parang tambol ang puso ko dahil sa lakas ng tibok nito. I quickly tied my hair into a messy bun.

Calm down, Meriedeth. You'll be fine.

Napatingin ako kay Shelanie, tumunog kasi ang cellphone niya. She answered it immediately.

"Hello? Yes, nasa labas na kami. Pay me, ah. Bye-bye."

Napatingin siya sa akin.

"Let's go na," sabi niya ay binuksan ang pinto ng building.

Pagkapasok namin ay may shoe rack doon sa gilid. May slippers din, may mga nakadikit sa walls, nilapitan ko ito at binasa. Rules and regulations.

"Salazar, ayos ka lang ba?" she asked as she took off her shoes and socks. "Kailangan talagang tanggalin ang sapatos. Iyon kasi ang rules dito. Pero, we can use the slippers," sabay kuha ng pares mula sa basket.

Hindi na ako umimik. I took off my shoes and socks. Itinabi ko ito sa sapatos ni Shelanie, kumuha rin ako ng tsinelas. May lockers na nakahilera sa one side then, kaharap nito is like a lounge. May couches and a coffee table. May mga small cabinets din sila dito.

Dive #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon