Meriedeth Salazar
Pagkatapos namin magpakilala na mga dating membro ay yung new members naman. Tumayo yung first year na kulot ang buhok and smile at us.
"I'm Xiomara Valendez, you can call me Xio or Mara. First year student," them umupo na siya.
Tumayo yung katabi niya, yung babaeng may bangs.
"I-I--I'm Brina Solano, po. Also first year student," sabay yuko at upo. Mahiyain.
Tumayo yung lalaki medyo wavy ang buhok.
"I'm Zakiah Nolasco, you can call me Zak. Second year student," at umupo.
Narinig kong napabuntong-hininga yung lalaking nagmura kanina. Tumayo siya at inayos ang mahaba niya buhok.
"Tyrell Arceo, second year student din," at umupo.
Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa meeting. I discussed to them about the rules and regulations sa club area. Also the do's and dont's. So, far wala namang nagtatanong at mukhang na gets nila lahat.
Ipinapaliwanag naman ni Eryx ang bawat rule, e.
After the meeting ay pumunta kami ni Eryx sa student council para mailagay sa official na listahan ang bago namin na members. Naabutan namin yung student council president na nakaupo sa isang upuan, napatingin siya sa amin.
"We're here to pass applications of our new members," sabi ni Eryx.
"Ilagay niyo nalang diyan," sabi ng babaeng may salamin, hindi ko siya napansin kaagad.
Habang naglakad kami pabalik sa club area ay dumaan kami sa cafeteria dahil nauuhaw si Eryx.
"Good job for today, Salazar," sabi niya sabay abot ng bote ng c2 solo.
"Nakakapagod ang araw na 'to," at uminom ako.
"We are here to help you so don't worry about it."
Napabuntong-hininga nalang ako. Days passed by quickly. We are done taking our first monthly exams at matataas ang nakukuha kong marka. Also, we did some group study sa bahay. Ako, si Eryx, Shelanie at Rovic. We invited Dashiel pero tuturuan niya ang triplets. May tutor naman si Andrea kaya hindi na siya sumama sa amin.
Intramurals is approaching. Agad kaming inilagay ni Class President sa swimming competition. Sasali naman ako kahit anong mangyari. Gaya last year, by section ang mga laro. Eryx joined the individual medley again.
"Andrea, hindi ka sasali sa individual medley?" tanong ni Class president.
"Hindi ako marunong lumangoy sa butterfly stroke."
"Ikaw, Salazar? Baka gusto mong subukan."
Napatingin sila sa akin. I know the different strokes of swimming. Pero, gusto kong magfocus sa relay at individual event, sa freestyle event.
"Gusto mong sumali, Shark girl?" tanong ni Rovic. "Pwede kita turuan sa butterfly stroke," he offered.
"I know how to swim the different strokes, Estevan. No need."
"Wow! Please join, Salazar! Gusto ko makita na magparticipate ka sa individual medley!" excited na sabi ni Shelanie.
"It will be fun, Salazar. Minsan lang naman," napalingon ako kay Eryx. "If ever you'll win, you can still choose to represent our school in the district meet o hindi."
"Okay. Susubukan ko, Pres."
Kuya Marcus was delighted when he heard that I joined the individual medley. Tss. Magdadala raw siya ng banner sa school. Pupunta rin sila Mama at Papa. Kahit sinabihan ko sila na ayos lang na hindi sila pupunta kasi intramurals lang naman, e.
BINABASA MO ANG
Dive #Wattys2021
Teen FictionMeriedeth Salazar, a teenage girl who believes that it's better to distance herself from everyone and does not want to get involve with the water ever again since an accident that happened in the past. She swears that she'll never swim again. But...