unit.33-Revelations.
Update! Huhuebells! Ano na kaya ang nanyari Kay Laarnie.
'Cause girls only say "hate you" to the boys they love'
©to the owner.
**
Her p.o.v (Laarnie)
Ilang buwan na ba ang lumipas? Buwan nga ba!? Palagay ko ay Taon na nga eh! Bakit ba naman kasi Baek nawilly kang matulog ng ganyan katagal!?
"Makina na lang ang bumubuhay sa kanya. Kaya mo ba siyang hintayin Laarnie?" Tanong sa akin ni Mommy. Ang mom ni Baek.
Hindi ko naman magawang Hindi mahiya sa kanila ng magulang ni Baek. Ako naman kasi ang may kasalanan kung bat nagkaganyan ang anak nila.
Napaluha na naman ako. Nasasaktan ako t'wing sasabihin nila ang mga katagang yan. Para kasing dinudurog ang puso ko. Kahit naman Anong mangyari...
Hihintayin kita Baek.
Mahal kita Diba!?
Alam ko namang Alam mo yun. Kaya wag kang susuko.
"Maghihintay ako mom. Please naman po wag Kayong mawalan ng pagasa para Kay Baek"
May halong pagmamaka'awa ang himig ko. Ayokong makadinig ng mga bagay na tulad nun. Na para bang nawawalan na sila ng pagaasa.
"Hindi sa ganun hija. Ang sakin lang. Sinabi na ng doktor ni Baek na yang makina na lang na yan ang nagsisilbing buhay ni Baekhyun. Sinabi na din nila na Kahit Mahirap tanggapin. Taggapin natin ang katotohanan. Halos mag-iisang taon na din Laarnie. Ikaw ang dapat kong tanungin ng Tanong mo sa akin. Ikaw ba? Hindi ka ba napapagod? Hindi ba nawawala ang pagasa mo?"
Saad ni Mom saka humagogol na niyakap Si Baek sa hospital bed. Naiiyak na hinagod ko ang likod ni Mom. Ang sakit lang na Kahit Alam ko ang sagot sa Tanong niya. Hindi ko naman kayang sagutin.
"Hija!? Malapit na naman ang kaarawan ng Apo ko at ni isa sa mga kaarawan ni Baenie ay Di niya pa nakakasama ang Ama niya?! Hija kung sakaling mawalan na ako ng pagasa. Ipakita mo sa king matatag ka." Lumuluhang turan nito.
Napayakap na lang din ako Kay Baek.
Baek sana naman gumising ka na! Alam mo ba na Simula ng nagkagayan ka. Hindi ko na ulit Nakita ang ngiti ni Baenie. Hindi na ulit siya ngumi'ngiti gaya ng ngiti niya nang gising ka pa.
-->> see the picture of Baenie while smiling.
--
Nakaalis na Si Tita. Ang mommy mo. Dumalaw lang siya para sana'y kumustahin ang kalagayan mo. Ako Alam mo ba!? Wala akong Ibang ginawa kundi ang bantayan ka.
Binuhat ko Si Baenie na ngayon ay payapang nakahiga sa tabi mo. Siguro nga Nasanay na Si Baenie nung kasama ka pa niya na lagi kang katabi. Atang tuloy. Kahit na nagkaganyan ka ay sayo pa din siya natabi.
BINABASA MO ANG
Baekla! Baekla! Paano mo ginawa!?
HumorHindi ako BAKLA! Ano ba naman? Lalaki ako! Lalaki ako! At pagsisisihan mong sinabihan mo akong bakla, Laarni. Pagsisisihan mo. Jelliice