unit.29-Photoshoot.

315 14 0
                                    

unit.29-Photoshoot.

Update! Whaha! Ngayon na lang nakapagsulat para sa UD nito! Sorry guys! ;"))

**

His p.o.v (Baekhyun)

Nakadating kaming mansyon at tulog pa din ang anghel namin.

Nakita ko naman ang pagkamangha sa mukha ni Laarnie.

Ito ata ang unang beses niyang makapuntang bahay kaya ganyan na lang ang pagkamangha niya. Maski kasi nung highschool ako ay wala talaga akong pinapapuntang bahay noon dahil na din sa takot kong maintrega.

Ayokong magkaroon ng magulong buhay.

Pagkalabas ko ng sasakyan ay agad akong nagpunta sa kabilang side paraagbuksan sila ng pinto.

Pagkabukas ko ay agad ning ibinigay si Baenie sa akin.

"Ang ganda palang talaga ng bahay niyo Baek. Tama nga ang chismis ni krystal sa'kin" saad nito bago namanghang nagtitingin sa paligid.

"Hindi ko ito bahay. Bahay ito ng magulang ko. Iba ang bahay ko" saad ko. Tumango lang siya bilang sagot.

Kinuha na din niya ang mga gamit ni Baenie sa likod ng sasakyan. Pagkatapos nun ay nagpunta na kami sa loob. Nakita ko si Mang simoun na siyang tagapangasiwa para sa kaayusanng mansyon.

"Magandang umaga Mang simoun. Kamusta po kayo?" Bati ko pagkalapit ko. Yumakap naman ito sa akin.

"Malaki ka ng talagang bata ka. Dati lang ay baby ka pa at binubuhat pa kita kung minsan. Tignan mo naman ngayon" saad nito. Ngumiti na lang ako dahil sa na'miss ko din naman ang matanda.

"Ito na ba ang asawa mo?"tanong nito.

Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Laarnie. Matatawa na sana ako eh. Hehe. Kundi lang siya umirap sa'kin.

"Aba'y magaling ka din pumiling bata ka. Aba't! Ito ba ang anak niyo!? Aba'y kamukhang kamukha mo ito noon Baek! Napaka poging bata!" Tila manghang saad ng matanda.

Hindi ko na talaga napigilan at napatawa na. Eh sa nakakatawa si Mang Simoun.

"Haha. Kayo 'ho talaga. Syempre kanino 'ho ba magmamana yan? Kundi sa Tatay na gwapo lang naman" saad ko. Tumingin nama ako kay Laarnie na may pilit na ngiti ang pinataw kay Mang Simoun.

"Maari ko bang mabuhat ineng?" Tanong nito kay Laarnie. Sumang'ayon nama ito kaya ibinigay niya kay Mang Simoun.

Tulog pa din pala si Baenie. Bakit kaya ang tagal magising nito ngayon.

"Hala sige. Pumasok na kayong mansyon. Ako na muna ang bubuhat dito sa parang 'apo' ko na din. Susunod lang naman ako" sambitng matanda saka naglakad.

--

Nakapasok kaming mansyon. At natuwa talaga ako. Na'miss ko palang talaga ang mansyon. Ang tagal na din simula ng di na ako nakakadalaw dito.

Binati naman kami ng mga kasambahay na siyang nagaasikaso ngayon sa mansyon. Datapwat sana'y na dapat ako. Hindi naman maalis sa akin ang pagkailang. Kahit papano kasi ay sana'y akong hindi ginagawang prinsepe.

Si Laarnie naman ay parang batang namangha sa loob ng mansyon. Talagang sumusunod lang siya sakin kung saan ako magpunta. Sa mga kagamitan lang nakatuon ang atensyon niya. Buti nalang at naka'y Mang Simoun si Baenie. Kung siguro'y nasa ina niya ito ay kanina pa nabulahaw si Baenie.

"Mukha kang baliw Laarnie. Halika nga dito!" Saad ko bago siya hilahin papalapit sa akin.

Wala nama siyang pake dahil ganun pa'din siya. Hanggang makadating kami sa distinasyon namin. Nakita ko na agad si Dad sa study table niya. At si Mom na katabi nito.

Baekla! Baekla! Paano mo ginawa!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon