unit.28-New Babies?

323 12 0
                                    

Unit.28- New Babies?


Update! Hur hur! Sorry lagi na lang akong natatagalan sa update. Busy daw ako sa school eh. Hehe may 'daw' pa eh noh!?

**

Her p.o.v (Laarnie)

Naggala gala muna kami sa loob ng Mall bago mapagpasyahan ng mag-ama na umuwi na dahil sa pagod.

Agad namang ibinigay ni Baek sa akin si Baenie dahil siya na daw ang magbibitbit ng mga napamili namin.

"Pasok na. Mag dahan dahan ka dahil tulog si Baenie" saad nito bago kami igayakni Baenie sa loob ng sasakyan.

"Ano ba akala mo sa akin?" Saad ko naman bago pumasok sa loob ng sasakyan.

Habang nasa byahe ay nakikita ko ang bigla bigla niyang pagngiti. Ang creepy mo Baek. Mukha kang sinapian. =___=

Hinampas ko naman siya sa braso na kinagulat niya. Sira ulo eh.

"Mukha kang tanga kakangiti dyan. Umayos ka dahil pagnapatunayan ko talagang baliw ka ay mauuper cut kita" saad ko na kinairap nito. Sarap hamalusin ng mukha. May pa-eye liner. Eye liner pang nalalaman. Natalo pa ako.

"Eh sa natutuwa ako kay Baenie eh. Palibhasa ikaw di mo maappreciate ang ka-cutan ni Baenie dahil sa panget ka. At hindi mo siya kamukha." mapang-asar na turan nito sa akin bago tumawa.

At dahil sa gaya ni Baenie at Baek. Pikon din ako eh. Piningot ko nga nagpagkatindi-tindi. Napakalaking sira ulo talaga. Kung panget ako. Paano na lang si Baenie. Ay. Kanya nga pala nagmana. Pero kahit na. Hindi ako panget noh! Sira ulong toh.

"Kung panget ako. Hindi magiging ganyan hitsura ni Baenie!" Sigaw ko saka naman siya pinagsasabunutan. Kahit pa nasa byahe kami ay kayang kaya ko siyang kalbuhin.

"Ta-talaga namang hindi magiging ganyan hitsura ni Baenie dahil kamukha ko siya. Hahaha" tumatawang turan nito na lalong kinainit ng ulo ko.

At sa sobrang inis ko. Ibinigay ko si Baenie sa kanya.

Ha!

Tutal sabi mo magkamukha kayo. Kayo na ang magsama. Ikaw ang magbuhat dyan habang nagmamaneho ng may pakinabang ka sakin. Hmmp.

"Laarnie. Ano ba!? Hindi ako makakapagmaneho ng maayos nito eh. Umayos ka nga. Baka magising din si Baenie." Irita nitong turan bago huminto sa may gilid ng kalsada. Pairap na lang ako.

"Tutal sinabing mong sayo nagmana yang si Baenie. HaLa! Magsama kayo!" Inis kong saad bago ipikit ang mata. Kainis itong ulupong na ito. Ang lakas mang inis.

Inihiga niya naman si Baenie sa may lap ko. At dahil sa naawa ako sa pogi kong anak dahil lagi na lang nadadamay sa init ng ulo ko kay Baek ay kinuha ko na.

Hmmp.

Pasalamat talaga siya mahal ko si Baenie eh.

---

Nakauwi na kaming bahay at agad akong pumasok kasama si Baenie. Pinalitan ko na din ito ng d.it kahit tulog para maging fresh ang pakiramdam ng anak kong gwapo.

Naligo na din ako pagkatapos ay tumabi kay Baenie. Si Baek kasi ay inaayos pa ataang mga pinamili namin.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakaakyat na din siya at nagdirestyong Cr. Nakaisip namanako ng kalokohan.

Ha!

Kung kanina ikaw ang nang-aasar sa akin. Gaganti naman ako. Bigyan ng hustisya ang mukha kong inapi api ni Baek!

Baekla! Baekla! Paano mo ginawa!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon