unit.11-Sleepless night
Update! Happy 400+ reads! Huehue!
Itu na ang update! XD
**
His p.o.v (baekhyun)
Hindi ko na kaya!
Yun na lang ang tanggi kong masasabi ngayon. Halos 2 buwan na simula ng magkaroon ng kalbaryo ang buhay ko.
Oo! Tama kayo ng basa! Kalbaryo talaga! =____= alam niyo ba yung salitang pagod! Halos araw-araw ay yun ang aking nararanasan. Sa ngayon ay apat na buwan na ang baby at maglilimang buwan na sa sinapupunan ni laarnie.
At kahit pa pagod ako ay kinakaya ko na lang para kay baby. Sana lang talaga ay maging malusog at kamukha ko ang baby.
Gusto ko na ding malaman kung babae o lalaki ang magiging anak namin. Napagpasyahan kong sa susunod na araw ay magpupunta kaming ob-gyne.
"Baek! Baek!!!! Gusto ko ng durian!"
Ngawa ng babaeng ito sa alas dose ng gabi. Oo! Tama! 12:00 ng gabi! (=___=)7 natutulog pa ko eh!
''Baek! Baek! Gusto ni baby ng durian! Yung hindi mabaho ah!" Saad niya saka ako niyogyog.
"Paki sabi naman kay baby bukas na lang. Kita mo naman na simula kahapon hindi ako nakatulog eh. Pinagmasahe mo ko magdamag niyang paa mong sabi mo masakit''
Saad ko saka nagtakip ng unan sa mukha. Inaatok pa ako!
"AH GANOON!? NAGREREKLAMO KA! SIGE! TIGNAN NATIN! LALAYAS KAMI NI BABY! AYAW MO KAMING BILHAN NG DURIAN AH! SIGE!"
Galit na sigaw niya sa akin saka hinampas sa akin ang unang nakatakip sa mukha ko.
''Joke lang! Oo na! Bibilhan ko na si baby! Diba baby!?" Saad ko saka umayos ng upo. Hinimas ko na lang ang tyan niya at ganoon na lang ang gulat ko ng may...
"Wow!!! SUMIPA SIYA!" Sigaw ni laarnie saka ako sinambunutan.
At dahil sa natutuwa din ako at hinayaan ko na lang siyang saktan ako. Hehe! (>____<)
Ganoon pala ang pakiramdam. Ang saya lang dahil sa unang pagkakataon ay nakadama ako ng pagiging kompleto.
"Aray! Tama na! Sobra na ah! Sige na aalis na muna ako at bibiling durian" saad ko saka tinanggal ang kamay niyang nakakapit pa sa buhok ko.
"Gusto ko yung walang amoy!" Saad niya pa saka din tumayo.
"At saan ka pupunta!?" Takang tanong ko
"Sasama ako! Ayoko maiwan!" Saad niya saka kumuha ng jacket sa cabinet.
"No! Hinde! Maawa ka naman kay baby! Gabi na oh. Ako na lang! Hantayin mo na lang ako" saad ko saka lumabas ng kwarto.
Nadinig ko naman siyang sumunod kaya hinarap ko na lang.
"Hindi sabi eh!" Saad ko
"Gusto ko sumama baek! Please!" Paawa effect niya
"No! Maghintay ka dyan! Tsaka yung bilin ko ah! Hindi na muna kakain ng cake!" Saad ko.
Nung naubos na kasi ang cake na nabili niya sa red ribbon ay tumakas nanaman siya at bumili ng panibago.
Sumimangot lang siya saka ako inirapan. Padabog niya namang sinara ang pinto.
---
Pagkauwi ko ay nadatnan ko si Laarnie na may kausap sa phone. At dahil sa nagtataka ako ay lumapit na lang ako.
BINABASA MO ANG
Baekla! Baekla! Paano mo ginawa!?
HumorHindi ako BAKLA! Ano ba naman? Lalaki ako! Lalaki ako! At pagsisisihan mong sinabihan mo akong bakla, Laarni. Pagsisisihan mo. Jelliice