unit.26- I'll be.
Update! Hart hart! Hehe.
U-update na ako kasi baka di na ko makapagupdate sa linggo!
#dathas!
**
Her p.o.v (laarnie)
Nakabusangot akong nagtungo ng kusina. Nakakainis kasi silang mag-ama. Tama bang pagkaisahan ako.
At talagang nauto niya ang anak namin para ako ang magtimpla ng gatas.
Nakakabwesit ka talaga Byun Baekhyun. Sarap mong tagpasin at kadkadin!
Habang nagtitimpla ako ng gatas ay ganun na lang ang gulat ko ng may biglang yumakap sa akin patalikod. Pagkatingin ko ay ang nakapulupot na kamay pala ni Baenie iyon. Buhat buhat siya ni Baek kaya pati si Baek ay nakasama sa yakap.
"Oh! Ayan na ang gatas mo!" Pakunyari kong saad na may galit kay Baenie. Nalukot na naman ang mukha nito na kinatuwa ko. Habang hawak niya ang gatas ay nagnginig na. Haha.
Iiyak na yan!
Iiyak na yan!
"Mommie laget?" Tanong nito kung galit ba daw ako? Tch. Hindi kaya. Pinagtritripan lang kita.
"Di na kita lab!" Saad ko saka tinaggal ang kamay niyang nakapulupot sa akin. Hinagis naman nito ang gatas na hawak niya na kinagalit ko.
"Baenie naman eh!" Inis kong turan saka siya pinalo sa kamay. Pero mahina lang. Si Baek naman ay pilit sinasalag ang braso niya para di ko mapalo si Baenie.
"Laarnie ano ba?! Wag mo ngang paluin si Baenie. Ikaw kaya ang may kasalanan. Kundi mo ba naman kasi inaway eh!" Irita nitong turan saka nilayo sa akin si Baenie.
Nag-init naman ang ulo ko. Aba! Sobra na ang mag-amang ito ah!
"Hoy Baek! Kundi mo ba naman tinuturuan ng kong anu-anong kawalang kwenta yan si Baenie ay hindi naman ako magagalit. Ikaw na~~na~~ ah basta ewan! Hambalusin kita eh!" Sigaw ko na lalong kinangawa ni Baenie.
"Oo na lang. Manahimik ka na. Di ka ba naa'awa kay Baenie? Lagi mo na lang inaaway ang anak natin eh" saad pa nito. Ibinaba niya naman ito sa upuan katabi ng mesa bago pinunasan ang nagkalat na gatas ni Baenie.
Naku!!! Tama lang yan. Ikaw ang maglinis. Kundi dahil sayo di ko pagtri-tripan si Baenie eh!
--
Naka'akyat na kaming kwarto at ang mag-ama ay magkakapit na naman.
Yung totoo? Sumasakit na talaga ang hart ko sa nakikita ko. Mas lab talaga ni Baenie ang Dhadha niya kaysa sa akin. Hurthurtbells!
"Bam-bam bam-bam- bam-bam- bawe!!! Ohh~~titcha memo ang pata tsayo!!!" Kanta ni Baenie kasabay ng nakanta sa 'laban o bawe' si Baek naman ay kinatuwa pang talaga ang pagiging bulol ni Baenie sarap tagpasin ng mukha eh.
"Manahimik!" Sigaw ko. Nakahiga kami ngayon sa kwarto at nanunuod ng afternoon prime. May Tv naman kasi sa kwarto ni Baek eh.
"Tch. Wag mo yang pansinin Baby naiingit lang si Mommie mo kasi di maganda ang Boses niya. Sige lang kanta ka lang para maingit" saad nito. Nagusok naman ang ilong ko. Sira-ulo talaga ang isang ito. Hmmp!
Hahampasin ko sana siya ng unan pero agad niya ding naagaw ito mula sa akin. Kaya ngayon nakayakap na siya sa akin.
Teka? Nakayakap?
BINABASA MO ANG
Baekla! Baekla! Paano mo ginawa!?
HumorHindi ako BAKLA! Ano ba naman? Lalaki ako! Lalaki ako! At pagsisisihan mong sinabihan mo akong bakla, Laarni. Pagsisisihan mo. Jelliice