Epilogue

582 20 9
                                    

Pagkagising ko, wala na si Jerome. Siguro umuwi na siya. Napaisip tuloy ako kung anong nangyari sa kanila pagkauwi niya.

Naligo na agad ako dahil pakiramdam ko sobrang haggard ko na. I need to refresh kakaiyak kagabi.

Pagkababa ko, seryosong nag-uusap sina Mama at Papa sa living room. Lumapit ako sa kanila nang mamataan nila akong bumababa ng hagdan.

"Good Morning Ma, Pa." Hinalikan ko sila sa pisngi.

"How are you, anak?" Tanong ni Mama. Napapikit ako at huminga ng malalim.

"I'm fine po. Please don't worry." Umupo ako sa gilid sofa na inuupuan nila.

"Well then, somone's here to talk to you." Tumayo silang dalawa. "Lalabas kami ng Mama mo to give you some privacy."

Napanganga ako. What? Who?

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa lumabas sila. Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok si Jane.

Ngumiti siya kaya ngumiti ako pabalik kahit naiilang.

"Can I sit?" Awkward niyang tanong. Tumango agad ako, "Yes, yes, of course."

Ngumiti siya sakin. Agad kong inayos ang sarili ko at umupo ng maayos sa harap niya.

"Why are you here?" Tanong ko pero nang narealize ko kung bakit napataas ang kilay niya ay umalma agad ako. "Sorry if I sound rude. Wala ako sa sarili.."

"Ayos lang." Ngiti niya. Kinagat niya ang labi niya na parang nagdadalawang isip. "I-I came here to apologize. Nalaman kong nakita mo 'yung ano, you know.."

Napaawang ang labi ko. Tahimik lang ako at sinenyasan siyang ipagpatuloy niya lang.

"Kasalanan ko. I cheated on him. I was drunk but I really do love him. Gusto kong bumawi at gawin ang lahat mapatawad niya lang ako. But it's too late, nainlove na siya sayo. Kasalanan ko rin naman kung bakit siya nawala sakin." Bumuhos ang luha niya ng tuloy-tuloy kaya tumayo agad ako para kumuha ng tissue na binigay ko agad sa kanya. Tinabihan ko pa siya at hinagod sa likod.

"I forgive you. Alam mo Jane, malaki ang pagpapasalamat ko sayo. Everything happens for a reason, baka kung hindi dahil sayo, hindi ko pa nararanasan ang magmahal sa ngayon." Suminghot siya at bumaling sakin ng nakasimangot.

"How can you be so kind? I hated you secretly. Sobrang nainggit ako sayo. Si Jerome, nasayo na wala pang isang linggo kayong magkakilala. Tapos 'yung presidency. Alam kong nagpapanggap lang kayo, but I can't help but be jealous lalo na nang maramdaman kong iba na ang pagtingin ni Jerome sayo. I know him because I loved him. Nakikita ko sa mata niya na ikaw ang pumalit sakin."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko lubos na maisip na habang masaya kami noon ni Jerome, may nasasaktan pala kami. Hindi ko alam.

"I'm sorry," hinawakan ko ang kamay niya. Natulala siya sakin. "I'm sorry kung nasasaktan ka ngayon. I'm sorry kung nasaktan ka namin noon, hindi ko alam.." Napatungo ako.

Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. "You deserve him. Sabi mo nga, everything happens for a reason. Sinaktan ko rin siya, kabayaran ko ito. Isa pa.. S-si Joshua, he never stops showing me how much he love me. I can't deny na kahit paano, may nararamdaman na ako sa kanya. Lalo na noong inutusan ko siyang kaibiganin ka at gawin ang lahat masiraan lang si Jerome sayo. I'm so sorry." Nag-iwas siya ng tingin.

Ilang segundo pa iyong nagproseso sa utak ko bago ko naintindihan. But it's over. Hindi na iyon ang problema ko ngayon. Ngumiti ako at ako naman ang yumakap sa kanya.

"Jane. Hindi ko na magawang magalit. Nagsorry ka na at napatawad na kita bago ko pa malaman. But I assure you, I'm alright it's done now. Let's all move on. Masaya ako na baka si Joshua na ang lalaki para sayo."

Panay pa rin ang pagsorry niya sakin hanggang sa umayos na ang pakiramdam niya at nagkwentuhan kami saglit nang napatingin siya sa oras at nagpaalam na. Kaaalis pa lang niya ay may pumasok agad.

"Good Morning." Nabigla ako sa pagkakakita kay Mr. Ponce. Nakakatakot pa rin siya.

Napatayo ako. "Ano ho ang ginagawa niyo dito? Kung may nasabi man ako kagabi na---"

"I'm also here to apologize. You know, it takes a girl like you with that thing called love to change my mind. Naisip kong mahal na mahal mo ang anak ko, dahil sa mga narinig ko sayo kagabi. You've changed my beliefs actually." Naglakad siya palapit sa akin at dahan-dahang ngumiti. "My son loves you. And I'm proud of him for that, very proud. It's all because of you." Tinapik niya ako sa balikat.

Naestatwa ako sa kinatatayuak ko. His smile is genuine. He looked like he's very happy.

"U-upo po kayo." Nagawa ko pa siyang alukin.

Umiling siya, "I'm scheduled to fly to Cebu, in two hours ay dapat nasa airport na ako. Hija, I want you and my son to fight together. Hindi madali ang panatilihing masaya ang isang relasyon. At some point, your faith will be shaken. Maraming tukso sa paligid, tulad ng nangyari sakin. But now, hindi na pagkakamali ang tingin ko sa.. isa ko pang.. pamilya. I want my son to be happy and if you could make him happy, then I'll support him." Ngiti niya.

Hindi ko mapigilan ang maluha. Finally, our relationship leveled up. After a few years, nakatapos ako ng kursong Education at si Jerome naman ay Engineering. Thank God, our relationship is going strong.

"Janella!" Tawag niya sakin isang araw.

Agad akong lumapit sa kanya. Nakatambay lang siya ngayong araw sa bahay, nanonood kami ng movie tutal pareho kaming walang trabaho ngayon. Birthday ko kahapon at naiinis pa ako kasi ngayon lang siya nakalimot mag regalo sa birthday ko. I'm contented by his presence pero pakiramdam ko ay nababawasan ang pagiging importante ko sa kanya habang nagtatagal.

"What?" Umupo ako sa tabi niya, iritado.

Humalakhak siya na parang baliw. May kinuha siyang clear na plastic sa bulsa niya na puno ng puting.. powder?

"Ano 'yan-- omygod!" Napatakip ako ng bibig. "Jerome, nagdadrugs ka?!"

Ngumisi siya at tumango. "Gusto mo?"

"JEROME!" Tinitigan ko siya ng seryoso at hinawakan sa balikat. "Kailan pa?"

Nagkibit-balikat siya sabay hawi sakin kaya napaupo ako sa sofa. Tumayo siya at tumakbo sa kusina. Sa taranta ko ay sinundan ko siya.

Kaya pala ang weird niya nitong mga nakaraang araw! Parang lagi siyang kinakabahan at natataranta!

"Magagawan pa natin 'yan ng paraan." Naiiyak na sabi ko.

Naglabas siya ng dalawang bote na may liquid sa loob saka nilagyan ng tubig ang isang vase namin na walang laman. Nilagay niya ang isang dilaw na liquid na malapot at isa pang amoy suka. May dinukot siya sa bulsa niya at hinulog sa loob ng color red na vase. Saka niya nilagay ang powder drugs.

"Woahhh!!" Tuwang-tuwa na sabi niya.

Napaatras ako nang biglang sumabog ang nasa loob ng vase at parang nagkafountain. Buti na lang at nasa lababo iyon kaya doon kumalat. Mabula iyon at malakas, kulay pula pa ang liquidong lumabas kaya para siyang bulkang pumutok. Nanlaki ang mga mata ko ng iluwa ng vase ang isang singsing na sinalo agad ni Jerome.

Hinugasan niya ito sandali saka niya ako nginitian. "I'm addicted but not to drugs. Sayo ako naadik."

Humakbang siya palapit sakin. Nakahinga ako ng maluwag doon pero sa hawak niyang singsing ay natuon ang atensyon ko. Bumilis ang paghinga ko.

Bigla siyang lumuhod. "I love you so, so much Janella. Marry me, I'll make you my queen. Be the mother of my children. Be my Mrs. Ponce. Janella, will you marry me?"

Bumagsak ang luha sa mga mata ko. "Yes!" Napatakip ako ng bibig saka ko siya niyakap na nagmumura na sa tuwa.

Hinalikan niyo ako sa noo, sa magkabilang pisngi, sa ilong at sa labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Addicted To Her  [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon