Chapter 4

513 18 3
                                    


"Ponce! Tara na nga," nilagay ko ang mga kamay ko sa baywang. Nakakaasar eh, napapalibutan na kami ng mga tao, parang gusto pa niya kasi ayaw pa umalis. Tss. Tapos hindi naman pinapansin ang mga tanong ng tao. Pasikat rin to.

"Ah? Mamaya na."

See? Pasikat! Famewhore!

Saktong nakita ko sina Jane at Michelle na nakikipagsiksikan pero hindi ata nila nakikita na nandito ako pati si Ponce. Nakikiusyoso lang talaga.

"Papasok na kami ng girlfriend ko, baka malate kami. Tabi!" nagulat ako sa pasigaw na sinabi nitong si Ponce, nag give way naman ang mga tao para makadaan kami. Nadaanan namin sina Jane, they were shocked. Tumigil ako sa harapan nila.

"Mag-eexplain ako mamaya," sabi ko ng mabilis kasi hinihila ako nung bwisit.

Hinila niya ako papunta sa classroom.. nagtinginan  yung classmates namin sa mga kamay naming magkahawak, hindi na naman gaanong kahigpit ang hawak niya kaya nabawi ko agad ang kamay ko.

"Anong explaination ang sasabihin mo?" mahinang tanong niya habang nakatingin ng masama sakin, "Nainlove ka sakin at ganun din ako sayo. Yan ang story natin. Tapos ang kwento."

Tumawa ako kaya mukhang naoffend siya, "Inlove? One day? Really? Anong iisipin nila, easy-to-get ako?"

"Hindi nila yun iisipin, sanay na sila, kasi nga batas ako, ako ang masusunod. And our love? It was love at first sight, maliwanag ba?"

Inirapan ko lang siya at padabog na naglakad sa upuan ko. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Oh bakit ka diyan? Doon ka sa likod."

"Dito na ang upuan ko," walang emosyong sagot niya.

"Si Jane kaya diyan!"

Tumingin siya sa board, "Pwes, doon na siya sa likod ko. Doon siya bagay."

Kinunot ko ang noo ko sa kanya. Ang sakit niya sa ulo.

"Ano ba tong nangyayari? Lumipat lang ako tapos may boyfriend na agad ako? Do I even have a say on this? Kasi ang alam ko, dapat desisyon ko kung papayag akong magpaligaw sayo. Ligaw pa lang! Tapos tayo na agad? Baliw ka ba?"

Huminga siya ng malalim, "Okay. Ano ba gusto mong gawin ko? Eh girlfriend na kita."

"Bawal pa nga ako!"

"Edi magpapaalam ako sa magulang mo."

"Ayoko sayo!"

"Imposible. Gwapo ako, mayaman, matalino, mabango, ano pa bang hinahanap mo?"

Ang kapal ng mukha! Nakakaloka!

"Humahanap ako ng libro na makakapagpatunay na may bagay na mas kakapal pa sa mukha mo!" sigaw ko kaya napatingin ulit samin ang mga kaklase ko at nagbulungan.

"Tsk. Ingay mo."

"Eh totoo naman. Ang kapal ng mukha mo, you spoiled brat! Akala mo lagi kang masusunod. Pano kung ayoko?"

"Hindi nga pwedeng hindi! Wag kang maarte, hindi ka maganda."

Shit ha! Nanlait pa! Nagcross arms ako, "Eh bakit ako ang pinili mong maging girlfriend?"

"Trip ko. Bago ka sa paningin, eh."

"Ah! So trip-trip na lang ngayon ang pakikipagrelasyon?"

"Look, wala ka ng magagawa. Ano bang gusto mong gawin ko para itigil mo na yang kaartehan mo?"

"Tigilan mo ako! Layuan mo ako!"

Addicted To Her  [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon