"Janella," naramdaman ko ang pagtapik ni mama sa balikat ko, "Gising na. Aalis kami ng papa mo, gusto mo bang sumama?"
Idinilat ko ang isa kong mata para tignan siya, "Saan po?"
"Mall, wanna come?"
Nung isang araw lang nag-Mall na kami ni Jerome. Wala naman akong gagawin dun, I don't need to buy anything naman for now kaya dito na lang ako.
Pagkaalis nila mama, naligo na agad ako saka nagbreakfast.
"Ay, Janella pinapabigay nga pala sayo ng boyfriend mo," may inabot sakin si manang na maliit na box.
Kumunot ang noo ko at tinignan ulit siya, "Kailan po niya binigay to? Bakit hindi na lang diniretso sakin?"
"Kanina lang kasi iyan. Nagmamadali raw siya at ayaw ka ring istorbohin sa pagtulog mo. Naku! Ganyang-ganyan ang nobyo ko sakin noon," ngumisi bigla si manang. Hala. Lumalove life.
Inubos ko na ang pagkain ko para makaakyat agad sa kwarto. Binuksan ko yung box.
"Wow," I whispered.
Maganda yung bracelet, simple but elegant. May nakalawit pang letra. Letter J.
Ngumisi ako at isinuot yun.
Nag-laptop muna ako para makapagbukas ng facebook nang biglang lumabas sa notifications ko si Julia.
Julia Barretto: Jea!! I miss you so much!
Me: Miss you too, Juls! Wala na rin kayong pasok?
Julia Barretto: yes! Let's meet? With Liza. We miss you so much. SO MUCH.
Ngumisi ako. I miss them, too. And my old school. And my former classmates and teachers.
Me: Sige! Same place at 12?
Julia Barretto: Of course :) I'll tell Liza na, see you! Bye!
Me: Excited na ko :D Bye
"Manang, pupunta po ako sa mall." Paalam ko.
"Ha? Eh bakit hindi ka pa sumabay sa magulang mo?"
"Ibang mall naman po manang, sa dati. Magkikita kami nila Julia. Andiyan ba si Kuya Greg?" tanong ko. Syempre hindi ako makakapunta sa mall kung walang driver.
Tinanguan ako ni manang, kaya umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis. Tapos nagpahatid na ako kay kuya Greg sa mall.
Dumiretso ako sa infinitea, where we used to meet up. Wala pa sila kaya umorder muna ako ng maiinom.
"80 pesos po ma'am," sabi nung cashier. I-aabot ko na sana yung bayad ko kaso may nag-abot na ng One hundred pesos.
Kumunot ang noo ko at bumaling sa kanila.
"What are you two doing here?"
Ngumisi si Julian, "Body guard at your service!"
"24/7 on duty!" dagdag ni Jon. Hindi ko mapigilang matawa sa kanila.
"Paano niyo nalaman--"
"Nakipagsabwatan kay Manang ang boyfriend mo," tumatawang sambit nila.
"Pero bakit nagbayad kayo?" saka ko kinuha yung order ko at naghanap ng lamesang pang apatan para makaupo kami.
"Kasama yan sa duty, wag pagagastusin ang girlfriend ng kamahalan," sambit ni Jon.

BINABASA MO ANG
Addicted To Her [JerNella]
RandomThere's this girl that got me addicted to her and I hate her for that.