"May problema?" Bulong ni Joshua na nasa likod ko. Pumwesto siya sa harap ko para pagitnaan kami ni Marlo na kanina pa niya tinititigan ng masama dahil sa reaksyon ko.
Sumimangot si Marlo sakin at bumaling kay Joshua. "Wala." Saka niya bumaling ulit sakin. I can see guilt in his eyes. And I know he can see fears in mine.
Inaalala ko pa lang ang mga nangyayari ay halos maiyak na ako. Ang tagal na nun, pero naaalala ko na ulit ang lahat dahil nakita ko siya. Bumilis ang paghinga ko at umiwas ng tingin. Nangangatog ang binti ko.
"Sorry... sorry talaga.." Humakbang siya palapit kaya napahawak ako sa likod ng Polo ni Joshua na nagsilbing shield ko kay Marlo.
"Wag kang lalapit." May awtoridad na mababakas sa boses ni Joshua.
Hindi siya pinansin ni Marlo pero hindi na gumalaw sa kinatatayuan niya. Nag-igting ang panga niya saka umiwas ng tingin, "Sana mapatawad mo ako sa nangyari dati. Nagbago na ako, malaki ang pinagbago ko. Pasensya na talaga."
Dahan-dahan, inangat ko ang tingin ko sa kanya. Kitang-kita ko ang lungkot sa ekspresyon niya. Hindi ako komportable pero napanatag ang loob ko kahit papano.
"Ano? Hatid na kita sa inyo, Janella." Ani Joshua saka ako tinitigan ng malalim at pagkatapos ng ilang segundo ay bumalik sa pagtitig ng matalim kay Marlo.
Napalunok ako. "M-maybe we should talk. Marlo."
Umaliwalas ang mukha niya at tumango.
"Joshua, hintayin mo na lang ako, okay lang ba?" Nanginginig pa ang boses ko. "Mag-uusap lang kami."
Tumango siya at tinuro 'yung kotseng pinagtataguan niya kanina. "Doon lang ako. Tawagin mo ako kapag nagkaproblema."
I nodded and thanked him. Naiwan kami ni Marlo na tahimik lang. Hindi ako lumapit. May atleast higit isang yarda ang layo niya.
"It's been a long time. Akala ko nakalimutan mo na. Akala ko ayos ka na. Hindi ko alam na umabot sa ganito kalala ang nagawa ko sayo."
Naalala ko noon. Lumipat ako ng school dahil sa kanya. Stalker ko siya, laging nakasunod sakin. I tried to befriend him pero sandali lang dahil natakot ako. Mukha siyang obssess sakin. Niligawan niya ako. Akala ng iba nagkakamabutihan kami pero natatakot na talaga ako sa mga kilos niya noon. Nilayuan ko siya hanggang sa napansin ko lagi pa rin niya akong sinusundan.
Isang araw, papasok na ako nang school nang inatake niya ako kaya nakatulog ako. Pag gising ko, nasa bahay na nila ako. Kinulong niya ako doon buong maghapon. Sinaktan niya ako physically, mukha siyang baliw noon. No sexual abuse happened pero sobrang dami kong kalmot sa katawan at mga gasgas. Ilang beses akong nasampal, sabunot at maraming externel bleedings. Lasing kasi siya noon.
Ang dami kong litrato sa bahay niya. At ang dami niyang sinunog na litrato ko sa harap ko, kinukwento niya na ganun ang gagawin sakin kapag nilayuan ko pa siya.
I find him psychotic. Pinakawalan niya ako kaya nakapagsumbong agad ako sa magulang ko. Sobrang natrauma ako, buti na lang nakapagpatherapy agad ako.
"Alam mo bang hindi na ako umiinom ngayon?" Natawa siya at umiling. Halata sa kanya ang pagkahiya sakin. "Dapat rin akong magpasalamat dahil hindi ako na kick-out."
Tinanguan ko siya. Walang ibang nakaalam ng mga nangyari kung hindi ako, siya, ang mga magulang ko at ang nagtherapy sakin. Ayoko kasi ng may ibang makaalam. Parang kapag na-rape ka, ayaw mong malaman ng iba. Pero si Marlo, he's been a good friend before kahit medyo weird talaga siya noon.
"I already forgave you, noon pa. Nawawala na rin ang.. takot ko. Kasi alam ko na ngayon na nagbago ka na talaga."
Tinitigan niya ako kaya ibinalik ko ang tingin niyang 'yon. Hindi na ako nailang. Mas komportable na ako sa kanya ngayon but I don't think my parents will be happy to know na nagkausap na ulit kami. Nang ngumiti siya ay ngumiti rin ako.

BINABASA MO ANG
Addicted To Her [JerNella]
RandomThere's this girl that got me addicted to her and I hate her for that.