"May kasalanan ka sakin." Nakasimangot na sabi ni Jerome sabay pisil sa ilong ko.
Kinunot ko ang noo ko at tinaas ang isang kilay. "Anong kasalanan?"
"Nakikipag-usap ka kay Joshua." Umigting ang panga niya. "Humanda siya sakin. Pati 'yung mga pansamantalang bodyguard mo nung bakasyon."
Napairap ako. "Mas strict ka pa sa magulang ko, alam mo ba 'yun?" Tumayo ako at pumameywang sa harap niya.
"Are you sure you're not into Jane anymore?" Tinitigan ko siya ng masama.
Kumunot ang noo niya. "Oo naman. Bakit?" Hinila niya ako paupo sa tabi niya saka ako inakbayan.
"Then bakit ang bitter mo pa rin kay Joshua?" Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sakin saka ako humalukipkip.
"Siguro nagseselos ka pa rin, no? Lalo na kapag magkasama sila ni Jane?" Dagdag ko at nag iwas ng tingin.
"Hindi ganun 'yun!" Hinawakan niya ang baba ko para magkatinginan kami. "May atraso siya sakin. Hindi ko basta basta makakalimutan 'yun."
"Then you haven't moved on." Iling ko.
Namilog ang mga mata niya. "I already did!" Kinulong ng malalaking kamay niya ang magkabilang pisngi ko. "Ayoko na lang siyang makita, lalo na kapag nakikita ko siyang nakaaligid sayo."
"Why are you so damn scared? Wala ka bang tiwala sakin? I'm not like Jane. If I love you, I love you. Ikaw lang. Hindi ako manghahalik ng iba kahit pa para mapatunayan lang na hindi na siya ang mahal ko." Bahagya akong lumayo sa kanya pero dinikitan niya ulit ako. Paulit-ulit hanggang sa nasa dulo na kami ng kama at wala na akong mauupuan palayo kaya tumayo na ako pero hinila niya ako ng malakas kaya napaupo ako sa binti niya.
Uminit ang pisngi ko. Nagtagpo ang dalawang kamay niya sa tiyan ko.
"Jerome!" Angal ko dahil ayaw niya akong patayuin.
"Ayoko lang na lumalapit siya sayo. Sorry if I kissed Jane. Promise, ikaw na lang hahalikan ko." Pinatong niya ang baba niya sa kanang balikat ko kaya ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko habang nagsasalita siya.
Biglang bumilis ang pintig ng puso ko na parang may karerang nagaganap sa loob ko.
Napatayo ako nang may aninong dumaan sa pinto. Hindi kasi nakasarado kaya napatingin kami ni Jerome doon. Biglang bumalik 'yung babaeng dumaan at sumilip samin. Nag second look pa siya bago tuluyang pumasok.
Kapansin-pansin ang resemblance nila ni Jerome. Ang ganda ganda niya. Obviously, she's a Ponce. Ngumiti siya sakin. Ngumiti ako pabalik kahit nahihiya.
"Finally! Dinala mo na siya sa bahay!" Nilingon niya si Jerome na nakatukod ang kamay sa kama at nakangisi bago niya ako niyakap.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at nilingon din si Jerome na nginitian lang ako.
"Call me ate Jade. You must be my brother's special friend, Janella?" Tumango ako at ngumiti.
"Nakukwento ka sakin ni Jerome. Nakita ko 'yung picture mo dito sa kwarto. He talks about you all the time.. except if our parents are around.""Ate!" Bumangon si Jerome at inakbayan ako kaya uminit ang pisngi ko.
"Nakwento nga po ni Jerome 'yung pagkastrict ng parents niyo and about Jane. Everything." Ngiti ko.
"Oh.." Namilog ang bibig niya.
Natawa si Jerome, "Ipapakilala ko siya kay Mom."
Nanlaki ang mga mata niya. "Nasa baba na siya, with Dad! Are you sure about this?"
BINABASA MO ANG
Addicted To Her [JerNella]
RandomThere's this girl that got me addicted to her and I hate her for that.