"Kain na tayo," pag-iiba ko ng topic sabay tingin sa mga pagkaing nakalatag.
"Ge."
Hindi ko na siya pinansin, tulala na naman ang lolo niyo kaya binuhos ko na lang sa pagkain ang atensyon ko.
Egg pie, apple, grapes, fruit salad, pizza, wow ang dami!
Tumunog yung phone niya, sisilipin ko sana kung sino yung tumatawag kaso humarap na siya sakin para hindi ko makita. Tsk.
"What's up?" cool na sabi niya pagkasagot sa tawag. Mukhang mamahalin ang cell phone, YAMAN!
"Thanks," walang emosyong sagot niya.
"Can't. I'm with her." nagkatitigan kami ni Jerome, kinindatan niya ako kaya inirapan ko siya.
Back to food, Janella.
"Sino pa ba? Janella, of course. My girlfriend," ngumisi siya. Napataas ang kilay ko, sino kaya ang kausap niya at kilala ako?
"Inaaksaya mo ang oras ko, imbis na gamitin namin ng girlfriend ko nasasayang lang. Bye," he hang up.
That was fast. Umingay ang puso ko saka ko siya nakitang nakangiti habang nakayuko.
Nacurious tuloy ako kaya tinanong siya, "Who's that?"
Napawi ang ngiti sa labi niya, "None of your business." pagsusungit na naman niya. Sayang, hindi na siya nakasmile, mas gwapo siya kapag nakangiti.
Pero ewan ko, hindi ko man pinapahalata pero everytime na sinusungitan niya ako, my lips start curving like hell.
I don't know why, but all the time, everytime, basta kasama ko siya, napapangiti agad ako. Kahit inis ako sa kanya palagi.
"Jerome?" tinitigan niya ako ng blanko ang mukha.
"Bakit ang sama mo sa lahat? Lalo na sakin?"
"Don't know," tumingin siya sa malayo, "Dati naman hindi ka ganyan sakin ah? I mean, mas mabait ka sakin dati," dagdag ko pa.
Hindi niya ako kinibo. Napabuntong-hininga ako. Kakain na nga lang ako.
Nagtataka talaga ako sa kanya. Pakiramdam ko kasi ang misteryoso niya. Kung hindi ko pa nga nabunggo si Mr. Ponce nung pinalabas kami sa klase, hindi ko pa malalamang anak siya ng principal. Tapos feeling ko rin, ang dami na niyang alam sakin, pati magulang ko kilala na niya, nakapunta na rin siya sa bahay namin, ako hindi pa. It's like he's a complete stranger to me, but he know me very well.
Kumuha siya ng mansanas at kumagat. Isang kagat lang tapos tinitigan na lang niya yung kinagatan niya habang ngumunguya.
Weirdo talaga siya. How did I fell to a weirdo?
Tumayo siya at nagsimulang magligpit. Ang dami ko palang nakain, naubos ko nga yung isang box ng pizza eh. Kaya konti na lang liligpitin niya.
"Uuwi na agad tayo?" tanong ko saka tumayo na rin. May naramdaman ako sa balikat ko kaya hinawakan ko iyon.
"Umaambon na, let's go bago pa lumakas," tumango ako at tinulungan siya, ako yung nagligpit ng tela tapos nilagay agad namin sa likod ng kotse niya. Lumakas na yung ulan kaya medyo nabasa ako, buti na lang nakapasok kami agad.
Naglabas siya ng panyo at inabot sakin, kinuha ko iyon at pinunasan ang sarili, si Jerome naman ay kumuha ng damit sa likod at--at naghubad ng t-shirt. Oh my God.
Nag-init ang pisngi ko at tumingin agad sa labas. Hindi manlang niya sinabi para warning-an ako! Pakiramdam ko tuloy ang pula-pula ko! Pero nasulyapan ko kanina yung katawan niya, yung muscles jusko. 4th year high school pa lang yan ha? Nag-gi-gym kaya siya? Tapos naamoy ko pa lalo siya nung hinubad niya ang shirt niya, bakit ang bango naman masyado? Bakit ang perfect niya? Ugali na lang ang problema pero yung imperfection na yun, mas nagpa-hot pa sa kanya. Medyo basa pa siya kanina kaya wet look ang dating.
BINABASA MO ANG
Addicted To Her [JerNella]
RandomThere's this girl that got me addicted to her and I hate her for that.