Chapter 10

501 17 0
                                    

Ponce: Ang tagal mo.

Ponce: Anong oras na!

Ponce: Nang-aasar ka ba!? Nagpapalate ka ba ha?!

Ponce: Kapag nalate tayo humanda ka sakin.

Ponce: ASAN KA NA BA?

Nanlaki ang mga mata ko sa text niya. I checked the time to find out it's already 7:15 at late na ako! Nagvibrate ulit yung phone ko.

Ponce: PUPUNTAHAN NA KITA!!!

Napapikit ako na parang naririnig ko siyang sinigawan ako sa utak ko. Naririnig ko yung pagsigaw niya sa utak ko? What the hell!

"Ahh! Shet!" napapikit ako sa sakit ng katawan ko. Nahulog kasi ako sa kama kaninang madaling araw at hindi maganda ang pagkakahulog ko.

"Anak? Ayos ka lang?" sigaw ni mama na mukhang nasa labas na ng kwarto ko at nag-aalala.

"Ayos lang po!"

Napahawak ako sa may tiyan ko. Ang sakit rin. Pero hindi na dahil sa pagkakahulog.

Oh! It's the day of the month!

I rubbed my temples, trying to calm myself, sobrang sama na ng pakiramdam ko.

Nagulat ako nang bumukas ang pinto at iniluwa ang mga magulang ko.

"Janella, you're not going to school?" tanong ni Papa.

"Late po ako ng gising. Masama po kasi pakiramdam ko."

Nilapitan ako ni Mama at kinapa-kapa ang noo ko, "Nako naman anak. May lagnat ka. Paano na yan hun? May sakit rin si Manang Laida kaya pinagpahinga ko muna doon sa kwarto niya at binilan ko lang ng pagkain sa nadaanang fast food kagabi. Anong kakainin ni Janella? Mabuti pa, hindi muna ako papasok sa trabaho."

"Ma, wag na kaya ko naman po, magpapadeliver na lang ako," nginitian ko siya.

"Siya nga pala, nasa baba yung boyfriend mo," nakangiting sabi ni papa.

Nanlaki ang mga mata ko, "Po?!"

Boyfriend? Si Ponce?! What? Sinabi niya na?!

"Ayos lang naman samin ng papa mo anak basta alam niyo ang limitasyon niyo."

"Ma--"

"Gusto ko yung boyfriend mo para sayo," niyakap ako ni papa at hinalikan sa noo, "Kahit pa medyo duwag, he learned to be courageous today."

Kinunot ko ang noo ko. Ano kayang nangyari? Bakit ganyan magsalita sina mama?

Umupo ako kahit may kumikirot sa bawat bahagi ng katawanan ko, pinilit ko. Kaso hindi mo napigilang mapadaing. Ang sakit rin sa may beywang. Shit. Yun kasi ang pinakamalakas na tama ko sa sahig.

"Janella?" nilapitan nila akong dalawa. Si mama hinaplos ako sa buhok, si papa hinawakan ako sa braso.

"Medyo masakit lang po katawan ko. Saka nakakahilo."

Biglang lumabas si papa ng kwarto. Napatingin ako kay mama pero nagkibit-balikat lang siya. Maya-maya naman ay narinig ko rin ang foot steps niya kaso may kasama na. And I wouldn't be surprised kung si Pnce na yun. Nakakahiya, pumasok pa siya sa kwarto.

Syempre kina mama at papa ako nahihiya. May lalaki sa kwarto ko. Sa pamamahay na ito. At nagpakilala pang boyfriend ko.

Pagpasok nila, nginitian agad ako ni Ponce. Napataas ang kilay ko.

Addicted To Her  [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon