Chapter 21

345 15 1
                                    

"Janella, are you okay?"

Kinagat ko ang labi ko, gusto ko siyang lingunin pero hindi ko magawa. Gusto kong makumpirma.. gusto kong makita mismo kung totoong nasa likuran ko ngayon si Jerome at may kasamang babae.

Nakasakay rin sila sa Ferris Wheel na ito. Tumitig ako kay Jerome na nakangiti sa babae.

Napasinghap ako at humawak sa dibdib ko. Anong ginagawa niya dito?

"Janella?" Tawag ulit ni Julia.

Hindi ko siya pinansin. Masyado akong abala sa mga iniisip ko at sa nakikita ko.

Matama niyang tinitigan ang babae at mariing siniil ng halik ang labi. Napapikit at hinalikan siya pabalik ni Jane.

Lumipad ang kamay ko patungo sa bibig ko.

Is this real? Umiling ako at tumingin kay Julia at pilit na ngumiti. Umiinit na ang gilid ng mga mata ko.

"Janella, ano bang problema?" Hinaplos niya pataas at pababa ang braso ko.

One last time, I glanced at them. May kumirot sa dibdib ko. Ang bigat sa pakiramdam.

"Let's go home.. please, Julia." Bulong ko. Lumalabo na ang paningin ko dahil sa luha.

"Huh?" Kumunot ang noo niya pero tumango rin agad, "Sige. We'll take you home."

Bumaba na kami at sumakay sa kotse nila.

Niloko niya ako. Pumikit ako agad pagkapasok sa kotse. Maraming luha ang lumandas pero hinayaan ko lang muna.

"Janella, ano bang nangyayari?" Medyo napataas ang boses niya.

"Not now, Julia." I sniffed. Ang sakit. Sobra sobra.

Huminga siya ng malalim at niyakap ako.

Hindi ko na napigilan ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng luha ko. Kinuha ko 'yung panyo ko at pinunasan ng pinunasan ang mukha.

"Thank you." Bumaba agad ako ng kotse at dumiretso sa kwarto ko.

Bakit niya hinalikan si Jane? Bakit sila magkasama?

I can't consume all of this. Too painful.

Maybe Joshua's right.

Hindi ako kumain nang gabing iyon. Gumising ako nang hinang-hina. Kinakatok ako ni Manang pero sinasabi ko lang na busog pa ako.

Mabuti na lang out of town ang magulang ko.

Naligo ako at nang makaramdam ng sakit ng tiyan sa sobrang gutom ay bumaba na ako at kumain. Kinuha ko 'yung cell phone ko at nakitang may sampung text doon galing kay Julia at 3 naman kay Liza. May missed calls din 'yung dalawa at si Mama.

Napatalon ako nang may tumakip sa mga mata ko na malalaking mga kamay.

"Guess who." Bulong niyang sobrang lapit sa mukha ko.

Tumindig ang balahibo ko sa katawan. Ang kapal ng mukha niya.

"Don't you dare touch me." Malamig na sabi ko. "From now on, hindi ka na pwede dito, Jerome."

Walang luhang namuo sa mga mata ko. This time, kasama ko na talaga siya, mas nangibabaw ang galit sa sakit.

"Bakit? Anong nangyayari sayo?" Gulat na tanong niya sabay tanggal ng kamay sa mukha ko.

Tumayo ako at hinarap siya. Sinampal ko siya ng sobrang lakas na ikinabigla niya.

Masakit ba? Kahit suntukin kita ngayon, hindi 'yan maikukumpara sa sakit na pinaramdam mo sakin.

Nanlaki ang mata niya at hinawakan ang pisngi.

"Umalis ka na. You're not welcome here."  Tinitigan ko siya ng matalim.

"Kakauwi ko lang dito sa Pilipinas. Anong nangyari? May problema ba tayo?" Humakbang siya palapit kaya umatras ako. Kumunot ang noo niya. "Pag-usapan natin 'to. Please, bi."

Kumuyom ang kamao ko sa galit.

"Hindi mo alam?" Humalakhak ako at umiling.

Kinagat ko ang labi ko at sumimangot. "I'm not a toy, if you like Jane, then go. You're free! At wag kang magkakaila kasi nakita ko mismo kayo, sa MOA, sa Ferris wheel. Naghahalikan."

Napaawang ang bibig niya. Ngumisi ako at lumapit sa pinto para binuksan ito.

"The door is open for you to go." Tinitigan ko siya sa mata, mula sa pwesto ko kanina ay ibinaling niya sakin ang tingin niya. "Leave. Leave me alone."

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. He's really a great actor. Pero hindi ako padadala. You already fooled me, there's no second chance.

Napalunok ako nang naglakad na siya patungo sa pinto. Tumigil siya sa harap ako at hinarap ako.

"Yung nakita mo.. mali 'yun--"

"Mali talaga! Kasi hindi mo dapat ako niloko! Mali ka! And forgiving you will be the biggest mistake that I could do, kaya 'wag ka ng umasa doon." Tinitigan ko siya ng masama. I wish my eyes could kill.

"Janella.." hahawakan niya na ang braso ko nang hinawi ko 'yun.

"Huwag na huwag mo akong hahawakan. Wala kang karapatan." Galit na galit na sabi ko.

Napayuko siya at bakas sa mukha ang pagsisisi. Nakita ko pang kumislap ang mata niya. At nagulat ako nang makitang may pumatak sa sahig.

Umiiyak siya. Nagsisisi ba talaga siya? Agad niyang pinunasan ang mukha at inangat ang tingin sakin.

"Marami akong hindi sinabi sayo. Pero please maniwala ka sakin Janella please." Hinawakan niya ang mga kamay ko. Sinubukan kong kumawala pero hinigpitan niya ang hawak niya sakin. Tinitigan niya ako na may halong pagmamakaawa at may basang mga mata, "P-please. Mahal na mahal kita... Ikaw lang.. Si Jane, dati na 'yun."

Napapikit ako ng huminga ng malalim. Janella don't believe him. Ganito sila. Huling-huli mo na, ayaw pang umamin.

Nasasaktan ako sa pinapakita niya, pero sinaktan na niya ako. I can't cry in front of him. I won't show him how broken I am right now.

"How can I believe you? I saw it when my very own eyes." Tinutulak ko 'yung kamay niya pero hindi pa rin ako makawala.

"You love me right?" Desperado niyang tanong. "Mahal mo ako." Pagkumpirma niya. Nabasag pa ang boses niya.

Umiling ako at sumimangot. "Mahal kita pero.. hindi na ako magpapaloko."

"Pero hindi kita niloko!" Bigla niya akong niyakap. "I'm sorry for what you saw.."

Nanghina bigla ang sistema ko. I miss and I love him so bad. Pero hindi ko kinaya 'yung nakita ko.

Pinigil ko ang nagbabadyang luha sa mata ko sa pamamagitan ng galit.

"I'm sorry, too. Break na tayo." Pinilit kong buuin ang boses ko kahit na.. basag na basag na ang pagkatao ko.

Kumalas siya sa yakap at tinitigan ako na parang hindi siya makapaniwala. "H-hindi kita niloko. Mahal kita. Sorry, I'm sorry. Please Janella, 'wag. Don't do this to me. I love you so much. Please let me explain.." Umiiyak siya. Ang sakit sa pakiramdam na makitang umiiyak ang taong mahal mo.

Kinagat ko ang labi ko at yumuko. "Just.. go."

Gusto kong maniwala sa kanya, gusto ko siyang yakapin. Pero sa tuwing naaalala ko 'yung paghalik niya kay Jane, 'yung pag ngiti niya, nangingibabaw sakin ang galit at sakit sa pagmamahal.

"Leave, please. Tapos na tayo. This is our dead end."

Addicted To Her  [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon