Chapter 22

348 17 1
                                    

Pumikit ako saka huminga ng malalim. Sigurado wala ng kotse sa labas. Wala ng kotse sa labas.

Wag kang umasa, Janella. Ginusto mo 'to dahil sa kagagawan niya kaya wala kang karapatang umasa.

"Good morning!"

Napaatras ako kahit kalalabas ko pa lang. Tinitigan ko siya ng may halong pagkainis.

"Pwede bang sabay na lang tayo na pumunta sa school?" Nahihiyang tanong niya habang nagkakamot ng ulo.

"Joshua ano bang ginagawa mo? Kapag nakita ka ni..." Tumingin ako sa paligid at yumuko.

Wala ng magagalit, wala na siya sa tabi ko and I doubt kung magagalit man siya ngayon. He's probably with Jane by now.

Kinagat ko ang labi ko nang maramdaman ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko.

"Wala na bang nakaaligid?" Ibinaba niya ang tingin niya sakin. Masyado kasi siyang matangkad.

"But still, leave me alone." Inis na tugon ko saka naglakad palabas.

"Sobrang cold mo naman sakin. Tinutulungan na nga kita." Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan.

"Oo may kausap ako." Sarkastikong pagpaparinig niya.

"Hey!" Tinapik niya ako sa balikat gamit ang kamay niyang nakayakap sa leeg at nakapatong sa kabilang balikat ko. Napairap ako at hinarap siya.

"Close ba tayo?" Pumameywang ako. "Ang touchy mo pa!"

Nginisian niya ako. "Close kami ng boyfriend mo."

"And so?" Pinasadahan ko ng kamay ang buhok ko. "Wala na akong boyfriend."

"Sabi na nga ba!" Nag-snap pa siya at tinaasan ako ng kilay. "Ano, tama ako 'no? Nambabae siya. Ano, naniniwala ka na sakin? Na hindi ka niya mahal?"

Napaawang ang bibig ko. Paano niya nagagawang sabihin 'yan sakin?

"I don't give a damn. It's over, ayoko ng isip 'yun. Kaya sana 'wag ka na magpakita sakin kasi naaalala ko lang 'yung sinabi mo dati." Kinagat ko ang labi ko at pumihit para dumiretso na sa school.

Hindi ako lumilingon pero alam kong nakasunod siya sakin. Tahimik lang.

Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko si Jerome na nakahilig sa gate at parang may hinihintay. Tumayo siya ng diretso at nagsimulang maglakad palapit.

Umiwas ako at tumakbo papasok. Hindi ko pa rin siya maharap. We're over and moving on is necessary. I'll need some more time kasi sa ngayon, apektado pa rin ako. Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako.

"Janella let's talk.."

"Leave me alone!" Walang lingon na sagot ko.

"Hindi pwedeng ganito tayo--"

"Pare ayaw nga diba?" Unti-unti kong binagalan ang pagtakbo na naging lakad.

"Ano bang pakialam mo? Bakit ba nakabuntot ka kay Janella?" Napataas ang boses ni Jerome kaya nilingon ko siya para makitang kinuwelyuhan na niya si Joshua.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko at lumapit kay Joshua.

"Ano na naman ba 'to, Jerome? Wag ka na ngang manggulo!" Tinapatan ko ang kamay niyang nasa kuwelyo ni Joshua.

"Wag mo na kami guluhin!" Dagdag ni Joshua. Tumango ako at pinalo ang mga galit na galit na kamay ni Jerome.

Nanghina ang kamay niya kaya nakawala si Joshua. Nilingon niya ako.

Addicted To Her  [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon