"Hindi pa kita pinapaupo."
Tumayo agad si Ponce. Medyo namumutla na siya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa. Ang awkward na rin kasi dito sa bahay. Ngayon lang may lalaking nagtangkang pumunta dito sa bahay at kausapin ang Papa ko at sana.. sana hindi na lang niya ginawa. Kaso pasaway eh, sinabi ko na ngang hindi maganda ang magiging outcome nito kaso hindi siya nakinig. Oh well, batas kasi siya, siya lagi masusunod at wala na akong pakialam kung mapahamak pa siya. Kaso pati pala ako mapapahamak pa dito! Kainis!
"Anong kailangan mo, hijo?" nakakatakot na tinanong siya ni papa.
"A-ano .. po kasi.. si Janel-la po ano.."
Napanga-nga ako. Akala ko ba batas ang isang to? Why stuttering? I smirked at that thought.
Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin kaming tatlo doon.
"Oh Jann may bisita pala tayo," gulat na utas ni mama.
"M-magandang hapon ho," bati ni Jerome. Pakiramdam ko mas kinabahan pa siya.
"Stella, may sasabihin raw itong kasama ni Janella, halika," tinap ni papa yung bakanteng upuan sa tabi niya para senyasan si mama na umupo doon. Umupo naman si mama at tumingin kay Ponce.
"Bakit hindi niyo manlang pinaupo ang bisita? Kayong mag-ama talaga nako, oo. Pogi, upo ka muna."
Dahan-dahang siyang tumungo sabay tingin kay Papa. Nakita kong tinanguan na rin siya ni papa kaya umupo na siya gaya ng sinabi ni mama.
"Anong sadya mo, pogi?"
Tumingin sakin si Ponce na parang humihingi ng tulong. Patay kang bata ka. Lalo na't naglabas na si papa ng baril. Nakapangsundalo pa siya kasi isa siyang general. Tinanggal ni papa yung bala ng baril saka binalik na parang inaayos. Tiningnan ko si Ponce, napalunok siya.
"Po? A-ahh.. s-si Janella.." nanlaki ang mga mata ko. Natahimik kami ng magulang ko. Bigla siyang kumaripas sa pagtakbo palabas saka ko narinig na umandar ang kotse niyang nakapark sa labas at mukhang nagdrive na siya palayo.
Maya-maya biglang humagalpak sa pagtawa si papa, tinitigan namin siya ni mama hanggang sa napatawa na rin kami.
"Oh? Bakit hindi mo ako sinundo sa bahay?" nakangising bungad ko kay Ponce na hinihintay ako sa gate ng school.
Bumusangot siya at nag-iwas ng tingin, "Wag mo na muna ipaalam sa kanila. Saka na lang."
"Wow. What a boyfriend. Oh, akala ko ba batas ka? Dapat nagkakasundo kayo ni papa kasi nagpapatupad rin siya ng batas."
"Late na tayo, bagal mo kasi!" hinatak na niya ako papasok ng school, pagpasok na pagpasok namik, hinawakan niya agad ang kamay ko.
"That should be me."
"Sheeems! Ang sweet!"
"Bagay!"
"Siya lang pala makakapagpatino kay JP!"
"Hay, PDA pa."
"Kainggit."
Hindi ko na lang sila pinansin. Sa totoo lang, nasasanay na ako sa mga side comments tuwing nasa school kami ni Ponce. Kahit na hindi ko alam kung bakit pa sila nagbubulung-bulungan, rinig na rinig ko namang kami ang pinag-uusapan. It's no use.
"Hi!" bati ko pagkakita ko kina Michelle at Jane sa hagdan kasabay namin ni Ponce.
Tiningnan kami nina Jane at Michelle, yung kamay namin.
BINABASA MO ANG
Addicted To Her [JerNella]
RandomThere's this girl that got me addicted to her and I hate her for that.