Chapter 12

368 15 0
                                    

Hinablot niya ang braso ko ng mahigpit, sobrang higpit na nasasaktan na ako.

"Ano ba Ponce ang sakit na ng katawan ko!" sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako binitiwan.

"Kailan ba hindi sumakit ang katawan mo?!" naglakad na siya at halos kaladkarin na ako. Nakita ko rin yung pagbubunggo niya ng malakas sa balikat ni Joshua. Pinilit kong huminto sa paglalakad para lingunin siya, "Ayusin mo nga ugali mo! Ikaw pa yung may ganang mambunggo, ikaw nga itong wala kanina!"

Nag-igting ang bagang niya at lumapit sakin, para siyang nagtataka at nagagalit at the same time.

"Hindi ba inaaya kita kanina?" madiing tanong niya, "Nawala lang ako saglit, kung sino-sino na ang kasama mo. Sinuway mo na naman ako."

Tinitigan niya ng matalim si Joshua. Pumunta ako sa harap niya para harangan siya.

"Hindi mo alam ang nangyari kaya wag kang ganyan kay Joshua."

"WALA AKONG PAKIALAM! HINDI BA SINABI KO LAYUAN MO SIYA?!" galit na galit na sabi niya sakin. Natameme ako. Sobra ang galit niya. Bakit, Ponce? Bakit?

Anong meron kay Joshua?

Lumapit siya kay Joshua at umambang susugurin na pero pumagitna agad ako, "Alis na!" bulong ko kay Joshua. Hindi niya ako pinakinggan kaya inulit ko ang sinabi ko, nakatingin lang siya ng masama kay Ponce kaya tinulak ko na siya sa dibdib, napatingin siya sakin saka tumango. Pero bago siya naglakad palayo, tinapunan niya muna ng nagbabantang tingin si Ponce.

"JOSHUA GARCIA!" sigaw ni Ponce, "HINDI PA TAYO TAPOS TANGINA KA!"

"Ponce!!" awat ko sa kanya. Buti na lang hindi siya gumagamit ng gaanong lakas kaya napipigilan ko siya, kung hindi, baka kung ano ng nagawa niya kay Joshua.

Hindi siya nilingon ni Joshua pero sumagot, "Sayang si Janella kung sayo mapupunta."

I heard my boyfriend cuss under his breath. Tumalikod na siya at maglalakad na sana palayo pero tinawag ko siya.

"Jerome!"

Napahinto siya sa kinatatayuan niya. Napatingin ako sa kamay niyang nakakuyom, "Bakit galit na galit ka kay Joshua?"

Kahit nakatalikod siya, napansin ko ang pag-igting ng panga niya, hinarap niya ako saka pinagmasdang mabuti.

"Bakit? Bakit ka interesado? You like him?" nagsalubong ang kilay niya, "At anong nangyari kanina?"

Binawi ko yung kamay ko sa kanya, "Edi alamin mo, ayaw mo rin naman sabihin sakin yung tungkol kay Joshua."

"Eh bakit mo nga kasi gustong malaman?" tanong niya ulit. Nakakairita na.

"Gusto ko lang. Masama ba?" bakit ayaw mo sabihin?

"Bakit nga kasi? Gusto mo ba siya?"

"So what?" inirapan ko siya, "So what if I like him? Masama na bang magkagusto sa iba?"

Naglakad siya ng dire-diretso palapit sakin kaya napaatras ako hanggang sa napasandal na ako sa pader. Kinulong niya ako sa pagitan ng mga kamay niyang nakahawak sa pader. Tinitigan niya ako ng diretso sa mata.

Shit. Just... shit.

"Damn it, Janella! You can't like him! You already have me, hindi pa ba yun sapat?! Ha?!" utas niya. Madiin ang bawat salitang binitiwan niya. Nag-iwas ako ng tingin kasi alam kong hindi ko kakayanin.

Umiling ako, "I don't have you. You're just trying to fall, diba?" tumawa ako.

"FUCK!" sinuntok niya ang pader na ikinagulat ko, "Hindi mo ba nararamdaman? Hindi ko sinusubukan! Hulog na hulog na ako sayo! Lunod na lunod!"

Addicted To Her  [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon