"Ano tinitingin-tingin mo?!"
Nag-iwas agad ako ng tingin. Ang sungit ni Ponce!
"Oh, Janella, si Michelle?" tanong ni Jon at inilapag ang pagkain na pinabili namin.
Saktong nakita ko si Michelle kasama si Jane, "Yun," ngumuso ako sa direksyon nila kaya napalingon si Jon.
"Panget! Ito na," tinuro ni Jon 'yung pagkain.
"Kdot."
"Salamat ha!"
"Ay thank you," sabi ko.
"Welcome! Buti KA pa, marunong mag-THANK YOU! Marunong makaAPPRECIATE at sigurado, marunong magSORRY! Tss."
Bigla kaming natawa ni Jane. Ang loko lang nito!
"Tigilan mo nga ako!"
Inirapan siya ni Jon tapos umupo sa may likod namin na inuupuan nung Julian at-at ni Ponce. I tried looking behind just to see him staring intensely at me kaya humarap agad ako kila Michelle.
"Oh bakit?" tanong niya. I just shrugged.
"Tara na?" aya ko.
"Teka, hindi pa pala nakakabili si Jane--"
"Hindi okay lang, gusto ko na rin bumalik, ang crowded dito."
I sighed in relief. Kaso sa kamalas-malasan, kaklase ko nga pala si Ponce at nasa likod pa ni Jane which means nasa may likuran ko rin siya. The whole day, hirap na hirap akong pigilang lumingon because everytime I do, I see him glaring at me.
"Jea tara, taga saan ka ba?" tanong ni Jane pagkadismiss ng adviser namin. Lumapit si Michelle.
"Malapit lang. Nilalakad ko nga lang."
"Talaga? Gusto mo sabay ka na sakin?" alok ni Jane.
"Sosyal 'yang si Jane eh, hatid-sundo ng kotse."
Napataas ang kilay ko. Siguro sobrang yaman nito. Kinuha ko ang sling bag ko at sinuot saka kami naglakad palabas ng school.
"Talaga? Ay, no thanks. Lalakarin ko na lang talaga."
"You sure?"
"Yep."
"Okay, bye Jea! Nice to meet you!"
"See you tomorrow!"
Nginitian ko sila at nagpaalam na rin. Habang naglalakad ako pauwi, naramdaman kong may sumusunod sakin kaya lumingon agad ako.
"B-bakit mo ako sinusundan?" kinakabahang tanong ko kay.. Ponce.
"Wala, masama ba?" nakapamulsang tanong niya.
Naglakad na ulit ako pero sumusunod parin siya.
"Stop following me!"
"Ayoko."
"Ano bang kailangan mo?"
"Wala nga," preskong sabi niya.
"Bullshit."
"Minumura mo ko?"
"Tss!" naasar ako sa kanya kaya inirapan ko siya, buong araw akong tiningnan ng matalim tapos ngayon susundan ako?
"Alam mo ba kung bakit ako umiiyak?"
"Abno ka ba? Paano ko malalaman, kanina lang kita nakita? At wala akong pakialam!"
"Good. At wag na wag kang makikialam."
"Bakit naman? Hindi ko nga alam kung anong hindi pakikialaman eh."
"Layuan mo si Jane."
"Bakit?" napataas ang kilay ko.
"Ayokong maging magkaibigan kayo."
"Ang kapal mo!"
"Seryoso ako," tiningnan niya ako ng masama.
"At bakit kita susundin?"
Ngumisi siya, "Dahil batas ako. Susundin mo ako."
"Anong kalokohan 'yan?"
"Putek! Sumunod ka na lang! Ngayon," lumapit pa siya, "Umuwi ka na. Ihahatid kita."
Napangiwi ako, "Bakit?"
"Dami mong tanong! Sumunod ka na lang!"
I rolled my eyes. Masyadong makautos akala mo magkakilala kami. Well, batas daw siya eh. Bahala siya sa buhay niya.
Naglakad na ako habang sumusunod naman siya sakin. Pagdating ko sa gate, nakita kong naglakad na siya ng palayo ng walang pasabi. Psh.
"Salamat ha!" sarkastikong sigaw ko. He just waved without looking back.

BINABASA MO ANG
Addicted To Her [JerNella]
AléatoireThere's this girl that got me addicted to her and I hate her for that.