Chapter 20

346 15 1
                                    

"Manang, hindi ako dito magla-lunch. Pupunta ako kina Julia."

"Okay, sasabihan--"

"'Wag na po! Hindi naman ako mapapano, maaabala lang sila."

"Sigurado ka?" Tumango ako at ngumiti.

Biglang nagvibrate 'yung phone ko, nakita kong galing 'yun sa unknown number.

Unknown

Janella :) May lakad ka?

Kumunot ang noo ko. Nireplyan ko siya.

Sino po kayo?

Halos mahulog ko ang cellphone ko sa gulat nang nag-ingay ito. Tumatawag 'yung nagtext sakin kanina.

I cleared my throat then answered the call, "Hello?" Halos pabulong kong bungad.

Hindi agad sumagot 'yung nasa kabilang linya, malalalim na paghinga lang ang naririnig ko nung una hanggang sa nabosesan ko siya, "Are you free today?"

Si Joshua Garcia. Umiling ako. Ang tigas talaga ng ulo ng isang 'to.

"No. Why?"

"Aayain sana kita mag lunch."

Napairap ako. "Ano ba kailangan mo?"

"Ikaw. Gusto kitang makausap."

"About what?" Pagtataka ko.

"Labas ka." Saka niya ako pinatayan ng tawag.

What the hell? Nasa labas siya?

Lumabas agad ako ng bahay at nakita nga siyang naghihintay doon. Napangiti siya nang makita ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kikitain ka. San ka ba pupunta?" Nakapamulsang tanong niya.

"None of your business." Naglakad na ako.

"Bakit ba ang sungit mo?" Natatawang tanong niya.

"Bakit ba ang feeling close mo?"

Humalakhak siya. "Bakit? Si Jerome lang ba ang pwede mong makaclose?"

"You're flirting. Stop." Inis na sabi ko. Ayaw kasi akong tantanan.

"I'm not!" Kumunot ang noo niya tapos ngumisi. "Hindi ako kasing landi ng boyfriend mo. May girlfriend na pero naghahanap pa ng iba."

Natigilan ako sa paglalakad. Anong pinagsasabi niya? Tinitigan ko siya ng matalim at naglakad pabalik para kumpirmahin kung tama ang narinig kong sinabi niya.

"Anong sabi mo?" Pabulong ngunit mariin kong tanong.

Tinitigan niya ako ng seryoso. "Niloloko ka niya. May babae siya ngayon sa ibang bansa."

Sinuntok ko siya ng malakas sa mukha kaya napahawak siya rito at malutong na nagmura.

"The fuck, Joshua! Don't give me that shit. Magkaaway kayo. At sinasabi ko sayo, you won't beat him by using this lame strategy." Tinitigan ko pa siya na may halong pagbabanta bago tumalikod.

"You know, aalukin ka niyang sumama sa New York kung seryoso siya sayo. Atleast he'll try para magkasama kayo. But no. He didn't, diba? Bakit? Kasi nga ginusto niyang malayo sayo kahit saglit para makasama siya sa iba. Hindi ka niya mahal. Hindi ikaw ang mahal niya."

Agad akong bumalik at sinampal siya. Walang luhang nabubuo sa mata ko kasi alam kong mali siya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sinasabi niya ang mga ito.

Addicted To Her  [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon