"Wala sila mommy. Baka mamayang gabi pa dating nila." Sambit ni Jerome habang @naglalakad kami sa loob ng bahay nila. Malaki talaga 'yung bahay nila, ang ganda pa lalo sa loob and obviously, may class.
Nauuna si Jerome sa paglalakad dahil hinihila niya ako. Hawak-hawak niya ang kamay ko. Kung hindi niya ako hihilahin, baka mapanganga na lang ako sa kinatatayuan ko sa sobrang pagkamangha sa bahay nila.
Luminga-linga ako sa paligid habang paakyat kami sa hagdan na sobrang laki at makintab ang tungtungan.
Maya't maya naman akong nililingon ni Jerome habang napapangiti at napapahigpit ang hawak sa kamay ko.
"You look amazed. Parang ganito lang din naman kalaki ang bahay niyo." Halakhak niya.
"No. It's bigger, classier and it's better."
Huminto kami sa harap ng isang malaking itim na pinto. Maybe it's his room. He twisted the knob at bumungad sakin ang isang malaking kwarto na puno ng relos. Collector nga pala siya ng ganito. Puro relos lang dito, may isang malaking cabinet, at study table na katabi ng isang malaking navy blue na kama sa gitna.
Ikinagulat ko ang pagkakita ng picture naming dalawa sa picture frame na nakalagay sa study table.
Binitiwan niya ako kaya malayo akong nakaikot sa loob ng kwarto niya. Tumigil ako sa study table. Gumapang ang kamay ko sa lamesang gawa sa kahoy pero mahahalata mong may kalidad. Inabot ko 'yung picture frame at itinaas para mas makita ko ng malapitan.
"That's.. a stolen shot. I saw it on facebook, someone tagged me. You know, we're not just ordinary people. I mean, our family is known, I'm well known in school for being the ruler, kahit sa ibang school nakakarating. And you're my girl and we're having a date so some random people that knew us.. captured that perfect moment." Paliwanag niya sa likod ko.
I narrowed my eyes at our picture. Sa arcade ito, ah? Ito 'yung sumasayaw kaming dalawa. Nakatawa ako at nakapose sa litrato ng isang movement na ginagaya ko sa TV. Habang si Jerome naman ay nakangiti at nakaporma rin ang katawan pero nakatingin sakin. Siguro sumulyap lang siya but it was captured.
"Atleast we looked happy and inlove." Bulong ko at umupo sa kama habang nakatitig pa rin sa litrato.
"We were happy and inlove. And we could still be." Bumuntong-hininga siya saka naglakad patungo sa kurtina. Binuksan niya 'yun kaya mas lumiwanag.
"Could be, if you just didn't.." cheat?
Dahan-dahan siyang naglakad palapit sakin. Saka siya umupo sa tabi ko.
"Kami ni Ate.. mali kami. Kami ang resulta ng pagkakamali nina mommy at daddy. Si Dad, pamilyadong tao na bago pa sila magkakilala ni mommy. And my mom knew it." Kumuyom ang kamay niya.
Nilingon ko siya dahil sa sinabi niya. I don't get why he's saying this. And why he's saying it just know. Hindi ko alam kung anong kinalaman nito sa kalokohang ginawa niya. Or maybe he's trying to say na may pinagmanahan siya?
Pero ganun pala ang storya ng pamilya niya, hindi ko alam. Naaawa ako sa kanya. Gusto ko siyang damayan. Pero this won't make me change my mind about us.
"You know, I only see my Dad once every month. Minsan pa nga, umaabot ng 6 months na wala kaming komunikasyon sa kanya. Pero sagot niya lahat, lahat ng gastos. His family does know us. Tanggap na rin nila, wala ng magagawa eh. Pero nasa malayo sila, sa Cebu. Kaya maganda ang reputasyon ng pamilya namin dito at kilala."
Nakatungo siya habang nagkukwento. Nakita ko kung paano namuo ang luha sa mga mata niya na pinunasan niya agad at pinilit ang tumawa.
"Matagal ko ng gustong sabihin ang lahat ng 'to sayo pero nahihiya ako sayo. Sa pamilya mo. Nahiya akong malaman niyong anak lang ako sa labas. Na naging kabit ang nanay ko." Pinasadahan niya ng mga daliri ang buhok niya saka niya pinunasahan ang luha sa mata niya.
"Last time, birthday celebration ko sa New York. Buo ang pamilya ko. Kasama namin si Dad. At.." tinitigan niya ako, "Jane's family."
Kumunot ang noo ko. Pati pamilya ni Jane? Anong ibig sabihin nun?
"It's because my father owns a big company, and Jane's family own another international company. Dad wants to be associated with that company so he pursued me to get to know Jane. Syempre si mommy, dahil pangalawang pamilya lang kami, gusto niyang mapansin at mahalin rin kami ni Daddy kaya pinilit rin niya akong kaibiganin si Jane and more. Para matuwa samin si Daddy."
Napanganga ako. I can't believe those. Ang dami ko ngang hindi alam. Mali ba ako? Mali bang nasaktan ako kaya mas sinaktan ko si Jerome kahit na hindi ko alam ang buong pangyayari?
"You know, I liked Jane. I loved her. So much. Akala ko kakampi ko na ang tadhana kasi minahal namin ang isa't isa. Iilan lang ang nakakaalam, pati ang pamilya namin. Dad was very happy. So happy. We were all happy.. lalo na kami ni Jane. We loved each other." Tinitigan niya ako sa mata at hinawakan ang parehong kamay ko. May kumirot na parte sa puso ko. Minahal pala niya si Jane. Hindi ako ang nauna. And possibly, mahal pa rin nila ang isa't isa at isa lang akong harang.
"Until I saw her and Joshua kissing. Just like how you saw me kissing Jane. Kaya galit na galit ako. Sabi niya, mahal niya ako pero gusto niya rin si Joshua. Sobrang nagalit ako sa dalawa na 'yun. Until you came and I found the perfect revenge for Jane. I just want to teach her a lesson."
Kinagat ko ang labi ko, "You just used me.."
"Janella, when I met you nag-iba ang takbo ng buhay ko. I started doubting if I really loved Jane when I felt something for you. Mahal kita, kaya nainis ako sayo. I got addicted by your touch, your smile, your voice, you. Kaya nainis ako sayo kahit alam kong may nararamdaman na ako sayo. Kasi pakiramdam ko, you ruined everything. I was just supposed to teach Jane a lesson but I fell for you. Kaya hindi ko na masusunod ang magulang ko. But it's my idea so I shouldn't blame you. We pretended to be inlove hanggang sa magkatotoo na nga. In the end, hindi ko pinagsisisihan na minahal kita at hanggang ngayon, mahal kita ng sobra sobra."
Pahina ng pahina ang boses niya. Naramdaman kong basa ang pisngi ko, pupunasan ko na sana iyon kaso inunahan niya ako.
"I hate seeing you cry. I'm so sorry. I love you." Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang buhok ko. Nanghina ako sa yakap niya.
"But I don't get why you kissed her." My voice broke.
Lumayo siya at ngumiti. "Sa New York, hindi ko na kinaya. Sobrang namiss kita at ayokong makasama si Jane kasi pakiramdam ko niloloko kita dahil hindi mo alam na kasama ko siya. Hindi rin alam ng Daddy na naghiwalay kami ni Jane at may iba ng girlfriend. Kaya iniisip niya at ng pamilya ni Jane, kami pa. We had no choice but to pretend. Nasa bakasyon kami with our family, and we don't want to ruin what our families already have so while we're thinking of a solution, we pretended. Kaya mas ginusto kong umuwi para makasama ka. I hate being with Jane, I feel like I'm fooling you. Pero pinayagan akong umuwi basta sabay kami ni Jane. We.. talked. Doon sa MOA? I was trying to get us a closure. And then sabi niya halikan ko siya to prove na wala na akong nararamdaman sa kanya. Halikan ko siya and make her see in my eyes na wala na nga. Halikan ko siya and make here feel that I've moved on. And so I did. I was confident. But after that, ayaw pa rin niya akong pakawalan. Nagbreak na kami but she's still into me. I guess, I'll just avoid her more. Kasi dapat alam niyang ikaw na ang mahal ko."

BINABASA MO ANG
Addicted To Her [JerNella]
RandomThere's this girl that got me addicted to her and I hate her for that.