Chapter 16

507 16 0
                                    

It's been days since that second 'aminan'. At naging sweet na naman (Kahit paano) sakin si Jerome, at ganun rin ako (Ng konti) sa kanya.

Nakaupo ako sa bleachers habang pinapanood ang game nila sa basketball. Malapit na kasi ang foundation day, tapos ang mananalo sa kanila ay ang magrerepresent sa school namin at makakalaban ang iba pang players from different schools sa siyudad. Tuwing nahahawakan naman ni Jerome ang bola ay pinipilit niyang i-shoot pero susulyap muna siya sakin at ngingisi. Nagyayabang at nagpapasikat kumbaga. Pero aminado naman ako na ang galing niya talaga. Lagi kasi siyang nakakashoot at nakakaagaw ng bola. Dagdag pogi points ang galing niya, ang dami ko tuloy kaagaw sa atensyon niya. No, scratch that, sa akin nakatuon ang buong atensyon niya kahit pa magpapansin sa kanya lahat ng babae dito sa school ngayon. Hindi ako tumitili or what. Masyado na kasing maingay, hindi rin niya maririnig, baka makita lang niya ang mga ugat sa lalamunan ko habang sumasayaw ako ng kung ano-ano at nagmumukhang baliw.

"How was it?" nakangising bungad niya pagkatapos ng game. This time, they made sure to bring home the bacon. Syempre, andiyan ang boyfriend ko!

"Ang galing ng seniors! Sobra! Tapos ang gwapo ng juniors!" pang-aasar ko sa kanya.

"Ba't ganyan ka? Hindi mo naaappreciate yung kagwapuhan ko! Kahit pagsama-samahin pa sila, eh, walang makakatalo sakin! Tss." sabay hablot niya ng malamig na tubig sakin na binili ko kanina para sa kanya.

"At anong ang galing ng seniors? Yan lang ba sasabihin mo, matapos kong ipanalo ang team para sayo?" dagdag pa ng prinsipe matapos ubusin ang isang bote ng tubig.

"Water pa?" umiling siya sakin kaya tumayo na ako, "Congrats! Ang galing ng teamates mo!"

Pumameywang siya sa harap ko with matching taas-kilay ang loko.

"Galing mong kumindat!" humalakhak ako sabay hila sa braso niya palabas ng court.

"Oo, halos mahimatay ka na nga kanina eh," ngumisi siya sabay akbay sakin.

"Yuck! Pawis ka! Uso kasi magshower or magpalit manlang ng damit."

"Uso rin na puriin mo yung boyfriend mong sobrang galing at sobrang gwapo," niyakap niya ako ng mahigpit, panay 'eww' at 'yuck' naman ang sinasabi ko kahit sa totoo lang, ang bango pa rin niya.

I may look like I'm irritated by his presence, sa pagyayabang niya, but I'm really really proud of my boyfriend. I'm just not that showy, but I love him.

"Pasok ka na," sabi niya pagkabukas ng kotse niya. Doon kasi siya nagbihis kaya naghintay muna ako sa labas.

"Ito," inabutan niya ako ng paper bag. Tinitigan ko lang iyon, "What's that?"

"Regalo ko," kinuha ko yung paper bag at napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Bakit? Hindi ko naman birthday."

"Kailangan ba kapag birthday mo, ikaw ang nakakatanggap?" nginisian niya ako.

Nanlaki ang mga mata ko, "Birthday mo ba ngayon?"

"Uhm. Yeah?" natatawang sagot niya saka pinaandar ang kotse.

"Ba't hindi mo sinabi!" sumimangot ako. Walay tuloy akong regalo sa kanya! Ako pa yung binigyan niya. Ugh! Bakit kasi hindi ko naitanong sa kanya dati kung kailan ang birthday niya?

Sumulyap siya sakin, "Gusto kitang bigyan. Hindi na bale kung wala akong matanggap. Makasama lang kita sa special day ko, it's already a gift from you."

Great! Nakakaguilty talaga!

"Open it," nakangiting sabi niya. Mukhang naeexcite na siya kaya dahan-dahan ko ng binuksan ang paper bag.

Addicted To Her  [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon