Chapter 5

558 17 0
                                    

"Mahal mo siya?"

"Oo."

"Hindi ako naniniwala. Alam kong ako pa rin."

"Edi wag kang maniwala. Hindi kita pinipilit."

CHAPTER 5

"Hatid na kita sa inyo," alok ni Ponce.

"H-ha? Wag na!"

Lagot ako kina mama kapag nagkataon!

"Sige na--"

"Jerome! Pare may practice tayo ngayon na," tawag sa kanya ng isang lalaki na kabatch lang ata namin.

Tumango si Jerome, "Hatid ko muna girlfriend ko."

"Wag na!" nilingon niya ako, ngumiti na lang ako, "Ayokong maabala ka. Tungkol saan ba yun?"

"Basketball," pinanliitan niya ako ng mata, "Ihahatid na nga muna kita."

Napaisip ako saglit, and brain blast! "Gusto kong mapanood ang practice niyo."

Pumamaywang siya sa harap ko at tinaasan ako ng kilay, "Mabobored ka lang."

"Gusto ko sabi manood. O baka naman ayaw mong mapanood kitang pumalpak?" paghahamon ko.

"Tss. Edi manood ka," asar na sabi niya, kaso nabigla siya kasi si Michelle at si Jane nasa likod pala niya, edi syempre narinig yung pagsusungit niya sakin kaya hinablot ko agad yung braso niya.

"Wag ka na magtampo, bi!" malambing na sabi ko, nakatayo lang siya dun at hindi humaharap. Siguro nagulat sa 'bi' ko.

Humalukipkip siya at umihip kaya medyo tumaas yung konting bangs niya, "Kiss muna bi," ang (Bi)wisit na 'to! Ugh! Mukhang nagtatampo siya pero deep inside, baka tawa na to ng tawa.

Pumunta na ako sa harapan niya, saktong napaalis na sina Michelle dahil na-awkwardan na ata sa scene namin dito. Si Ponce, ngumisi na lang at pumikit, nilapit ko pa yung mukha ko sa kanya at imbis na idampi ko yung labi ko sa kanya, hinead bang ko siya.

"Shit!" tinitigan niya ako nang masama. Buti walang masyadong tao dito, matuturuan ko to ng leksyon.

"Ayos ka lang ba BI?" nginitian ko siya.

"Tingin mo?" galit na sagot niya sabay haplos sa ulo niya. Tumawa na lang ako.

"Ginusto mo yan eh. Gagawin ko sa boyfriend ko ang gusto ko. Ano? Makipagbreak ka na. Para ikaw ang mang-iwan at hindi ikaw ang iwanan."

"Hindi mo ako iiwan. Hindi tayo maghihiwalay." madiin na sabi niya.

"Tingnan natin," hinila ko na siya, "Tara sa court!"

"Sige, panoorin mo kung paano kami mananalo."

"Kdot."

Diniinan niya yung hawak sa kamay ko kaya napansin kong hawak-kamay nga pala kaming tumatakbo kaya medyo binagalan ko na ang lakad at inagaw ang kamay ko.

"Ang arte mo. Pasaway. Lagi kang nagrerebelde sakin. Dapat pala hindi ikaw yung pinili kong girlfriend. Bwiset."

Nagcross arms ako, "Eh bakit mo tinuloy? Pwede namang mag break-up."

"Kasi nasimulan na natin, nagsimula ng maniwala ang iba na inlove na nga ako. At mahal nga kita, diba? Dapat hindi kita sukuan. Ganun kapag nagmamahal diba?" nakangising sabi niya na parang proud pa. Feel na feel na inlove, ah?

Addicted To Her  [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon