Chapter 8

480 17 0
                                    

"Tagal mo ah?" tanong ni Ponce pagkakita sakin. Kanina pa ata niya ako hinihintay dito sa gate ng school.

"Bakit mo ba kasi ako hinihintay? Pwede namang sa room na lang magkita," nagdirediretso ako sa paglalakad papasok.

Hindi porket nagsorry ka kagabi, peace na tayo. War pa rin.

"Syempre hinihintay ko girlfriend ko," sabi niya sabay hablot sa kamay ko at sinabayan ako sa paglalakad.

Tinawanan ko siya sa sinabi niya, "Kikiligin na ba ako?"

He shrugged, "Nagpapakilig ba ako?"

I narrowed my eyes on him. Bakit ganun siya. Ewan ko kung ano. Ang weird niyang tao.

"Voting for the class president is now open," our teacher declared.

Tahimik lang akong nakikinig sa mga nagtaas ng kamay at nagnominate ng mga kaklase. Ang mga nanominate ay sina Jane, Elisse at Chie.

"I move that--"

"Sandali!" biglang tumayo si Ponce na ikinagulat ako, "I respectfully nominate Janella Salvador as the class president."

Pinanlakihan ko siya ng mata. Umupo na ulit siya at nilapit sa tenga ko ang bibig niya, "Kaya mo yan."

"I really ship them."

"Gusto ko ng ganyang boyfriend!"

"Sweet, anak ng! Edi ako na forever alone!"

"Alex, andyan naman si Chienna. Yihiee!"

Narinig ko pa ang mga bulungan ng ibang mga kaklase namin. Dahil malaking responsibilidad ang pagiging presidente, pinapunta kaming mga nominado sa harap para raw mag speech kung bakit kami ang karapat-dapat iboto.

"Please don't vote me. I hate responsibilities."

Gustong-gusto ko yan sabihin kaso syempre nakakahiya. Sina Jane kasi ang ganda-ganda ng speech at mukhang nagcocompete talaga silang tatlo for that position and I'm like.. uh, bakit ba ako nakasali dito? Tumingin ako sa mga kaklase namin and my eyes were glued on Ponce's. I glared at him.

"Go bi!" sigaw niya habang nakangiti sakin nung ako na ang mag-iispeech. Nag-ingay tuloy yung mga kaklase namin dahil sa ginawa niya.

"If you.." magsisimula na sana ako kaso ang ingay pa rin ng mga tao.

"Tahimik! Magsasalita na yung girlfriend ko!"

Nagsitahimikan nga ang lahat. Kahit si Ma'am ay napangiti. Huminga ako ng malalim at nagsimula.

"New student lang ako dito at nag-aadjust pa sa tulong ni Jerome, na siya ring may kasalanan kung bakit ako nakatayo at kinakabahang nagsasalita dito," huminto ako kasi medyo natawa yung iba, "But if you'll vote me as the president, that I don't even know if I deserve, I promise to do my very best for the sake of our class."

"You deserve it!" sigaw ni Jerome na nakakuha ng atensyon ng lahat, "You have my vote and my heart!"

"Yun yon!"

"JanRome! O JaneRome? Kaso may Jane dito e. JerRo-- ah! JerNella! I ship JerNella na!"

"Kyahh! Oxygen please!"

"Iboboto ko siya. Boto natin!"

"Asan na yung Jerome Ponce ng buhay ko, dating ka na please!"

Addicted To Her  [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon