Chapter 19

371 14 2
                                    

"May kwento ako! Si Julian, tinamaan sa bestfriend ko sa former school ko!" Tumawa si Jerome.

"What? Seriously? Yung mga babae ang lumalapit dun eh. Kaya hindi marunong gumawa ng first move," ngumisi siya. Buti na lang malakas ang internet connection ngayon kaya nagkakaintindihan at nagkakakitaan kami.

"Oo! Obvious nga! Pero ang cute niya pala magkacrush no?"

Kumunot ang noo ni Jerome, "Sino mas cute samin?"

"Syempre siya!" I grinned at the camera on the laptop I'm using para makita ni Jerome.

Sumimangot siya.

"Bye na nga!"

"Syempre kasi gwapo ka! Cute lang siya." Ngumiti ako nang ngumiti rin siya.

"Talaga?"

"Paulit-ulit? Style mo bulok. Para ulit-ulitin ko. Muntikan ka pang magtampo!"

Napakamot siya ng ulo, kagigising lang ata nito eh kaya ang gulo pa ng buhok pero nakakagwapo!

"Nag-enjoy ka ba kanina?" Tanong niya. Tumango ako at ngumiti, "Ikaw? Enjoy ka ba diyan?"

Ngumuso siya, "Oo. Pero mas masaya kung magkasama tayo. Pilipinas man o New York."

Nagkadikit na ata ang kilay ko, for the nth time sasabihin ko to, "Ayan ka na naman. Enjoy lang sabi. Spend time with your family, okay? Sa pasukan, makakabawi tayo ng oras."

"Yeah, I know," pumangalumbaba siya sa lamesa, "Ang hirap pala ng ganito no? Long distance relationship."  Ngumisi siya.

"Baliw. One week lang? OA much?"

"OA ako sa pagmamahal sayo eh," kumindat siya.

"Ewan ko sayo!" Tumawa ako saka dumapa sa kama.

"How's mama and papa nga pala?"

Kumunot ang noo ko, "When did they became your parents too? Ano yun? Magkapatid tayo?" I chuckled.

"Iisa tayo  diba?" Ngumisi siya.

"Lul. Kuya masyado ka."

"Kuya ka diyan!" Ngumuso siya.

Gusto ko siyang hawakan ngayon. Yakapin. Sobrang nakakamiss siya. Hindi ko ata makakaya kahit isang buwan lang kaming ganito. Nakakabaliw pala.

"Jerome! Go downstairs. We have a visitor." Narinig kong sigaw ng isang babae.

Nakita kong iritadong lumingon si Jerome, "Coming!" Sigaw niya.

"Who's that?"

"My mom." Umupo siya ng maayos saka humikab. "Anong plano mong gawin ngayong vacation?"

"Jerome." Nanliit ang mga mata ko. "Tinatawag ka diba? Go and fix yourself."

"Mamaya na. Usap muna tayo."

"Isa!" Humalukipkip ako. Matigas ang ulo ng lalaking ito.

"Oo na! Oo na!" Itinaas niya ang mga kamay niya, "Tatawagan ulit kita mamaya bago ka matulog ha?"

Tumango ako at ngumiti, "Bye!" Kumaway ako saka inend and video call.

Tumayo ako at masayang lumabas ng kwarto para sana manood sa sala pero natigilan ako nang nag-ring ang phone ko.

I cleared my throat and pressed the answer button, "Hello?"

"Hi, Janella." A guy answered in a husky tone.

Addicted To Her  [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon