Sobrang lapit na ng mukha niya sakin. Nakakailang!
"Aw!" umarte akong sumakit ang tiyan ko. Kumurap-kurap siya tapos tumingin sa kamay kong nakahawak sa tiyan.
"Masakit?!" naaalarmang tanong niya sabay tayo. Tumango ako tapos tumayo na rin.
"Pano ba yan mawawala?" inalalayan niya ako papunta sa may sofa sa living room.
"Kapag huminto."
"Pano hihinto? Kailan?"
"Pag nabuntis na," biro ko. Ako pa talaga yung nagbiro ng ganyan, grabe!
Umiwas siya ng tingin, wait, namumula siya?
"Joke lang, wala na, hindi na masakit," umupo na siya sa tabi ko.
"Sure?" paninigurado niya. Tumango-tango ako at kinuha ang remote para buksan ang TV.
"Alam mo, para sa isang batas, ang amo ng mukha mo," ngumisi ako.
"Batas?" humalakhak siya, "Batas na sinusuway ng girlfriend."
"Syempre, you may be the ruler but--"
"You're the ruler's queen," pagtapos niya sabay hagupit ng kamay sa beywang ko para mas lalo akong mapalapit sa kanya.
"A-ano? Inlove ka na sakin sa lagay na yan?" tanong ko.
Dumekwatro siya habang nakatingin sa TV. Hindi niya ako sinagot... or so I thought.
"I'm inlove," pilit siyang ngumiti at hinarap sakin ang mukha, malalim ang paghinga niya, pinatong pa niya ang noo niya sa noo ko.
Parang nanuyo ang lalamunan ko. Hinalikan niya ako ng matagal sa noo kaya napapikit ako, pagdilat ko, nanonood na ulit siya pero nandun pa rin ang kamay niya sa beywang ko.
Napahawak ako sa dibdib ko, bakit ang bilis masyado? Hindi ako mapakali kasi sobrang lapit niya pero at the same time, nasisiyahan ako.
Kinikilig ako sa romantic movies pero I never thought na... ganito... yung...
Shit. It's a no-no, Janella! Erase, erase, erase. Pinag-eexperimentuhan ka lang niya. Siya ang dapat mainlove kasi ginusto niya, hindi dapat ikaw.
Wait a minute. Inlove? Oh come on, I don't even like him! Ang shunga lang.
I won't fall. I'm not that stupid.
Kinabukasan, maayos na ang pakiramdam ko kaya maaga akong pumasok. 6:30 pa lang pero nagulat ako nang madatnan si Ponce sa gate.
"Aga natin ngayon ah!" masayang bati niya saka umakbay.
Umirap na lang ako saka kami naglakad, "Akala ko ba quarter to 7 mo ako hinihintay dito?"
"Huh? Sabi ko, quarter to 7 ka pumunta, pero maaga talaga ako pumapasok."
"Anong oras?"
"6?" nakapamulsang sagot niya.
Natigilan ako sa sinabi niya, "6? Ganun katagal kang naghihintay araw-araw?" tinanguan niya ako saka kami nagpatuloy sa paglalakad.
Impossible. Baka tumatambay muna to sa computer shop na malapit, hindi to tutunganga ng 45 minutes.
"CR lang muna ako," paalam niya saka tinanggal ang kamay niyang nakapaligid sa balikat ko. Nakakailang hakbang pa lang siya, lumingon siya agad sakin, "You, stay."
Inirapan ko lang siya saka humalukipkip. Wala pang 5 minutes, lumabas agad siya.
Ibinalik niya yung kamay niya sa balikat ko at bumulong, "Binilisan ko. Baka takasan mo kasi ako."
BINABASA MO ANG
Addicted To Her [JerNella]
RandomThere's this girl that got me addicted to her and I hate her for that.