Chapter 13

406 16 2
                                    

"Pahingi nga!" utos ni Ponce sakin. Nanghihingi ng papel. Hindi ko siya pinansin. Siya pa may ganang magalit!

"Ito Jerome oh!" inabutan siya ni Chie ng papel, nasa harap kasi siya ni Ponce. Akala niya sa kanya nanghihingi kasi hindi ako yung tinititigan ni Ponce, but I'm sure ako yung kausap.

"Ayoko niyan!" hinawi ni Ponce ang kamay niya. Nakakagigil siya, ang sama talaga ng ugali!

"Ay ano ba yan," mahinang daing ni Chie saka tumingin na lang sa harap.

"Okay, number one.." pagsisimula ng teacher, wala pang papel tong katabi ko.

Nagtaas siya ng kamay.

"Oh, Jerome?" tanong ni Ma'am, "Ano yun?"

"Wala akong papel." matigas na sagot niya, hindi manlang tumayo. Nagtinginan ang lahat sa kanya.

"Kapal ng mukha!" bulong ko.

"Someone give this poor guy a paper," umirap si Ma'am.

"Fuck don't call me poor, and I don't need someone to give me a paper, I want her paper!" bwisit na sagot nito.

Nanlaki ang mga mata ko.

"How dare you say that out loud? Matuto ka ngang rumespeto!" mahinang pangangaral ko.

"Papel, akin na!"

Napatingin ako sa iba na napailing, si Ma'am naman poker face. Bumalik siya sa harap at tumingin sakin.

"Ms. Salvador kindly give him one," utos niya.

Halos malaglag ang panga ko. Hindi manlang siya nagalit? Ah oo nga pala, batas rito ang boyfriend ko. In every way. Bukod sakin.

Nag-alinlangan pa ako pero pumunit ako ng isang piraso ng papel at padabog na nilapag sa desk ni Ponce.

"Salamat ha," sarkastikong sabi ko saka sinimulan ni Ma'am ang quiz.

"Tss."

"Grabe ka, kailan ba magbabago ugali mo?" naiinis na tanong ko.

"You should love me for who I am," inirapan niya ako.

"Kung mali ka, mali ka! Spoiled!" napalakas na sabi ko.

"Ms. Salvador, would you like to go out to finish your business? You're disturbing the class."

Napakagat ako ng labi. At dahil sa kahihiyan, gusto ko na ngang lumabas and so I did. Kaso biglang sumunod si Ponce pero hindi na siya pinigilan ni Ma'am.

"Nakakainis ka!" tinitigan ko siya ng masama, "Pahamak!"

"Matapos mong magtapat kanina na mahal mo ako?" tumawa siya, "Bakit hindi mo agad ako binigyan ng papel?"

"Pake mo? Ba't sakin ka nanghihingi? Si Chie nga binibigyan ka kanina!"

"Pake mo rin! Gusto ko sayo e!"

Wow huh? What kind of relationship is this? Nang nagkaaminan dapat mas sweet na, bakit parang lumala pa?

"Hindi mo ako utusan! Bumili ka ng papel mo! Dati nga hindi mo ako binigyan," anong klaseng boyfriend to!

"Dati na yun!"

"Pero gusto ko pa ring malaman!" sagot ko. Mukhang naguluhan siya sa topic.

"Dati na nga eh? Bakit pakikialaman mo pa? Eh tapos na yun!" aniya, "And you're not part of it so you don't care!"

Ang sakit niya magsalita! Arghh!!

Addicted To Her  [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon