Chapter 17

468 11 0
                                    

"Hey" biglang sumulpot si Jerome sa harapan ko.

Seryoso ang mukha niya at halatang naiinis, "I'll be gone for a few days, si mommy kasi gusto raw i-celebrate ang birthday ko. Tss."

He pinched the bridge of his nose. He's sooo adorable, I can't help but smile. Pero sa sinabi niya, hindi ko na nagawang ngumiti. Sana naman saglit lang siya mawala.

"How long?" I asked.

He shrugged, "A week or two?"

One week na lang sana, medyo okay na rin yun kahit parang ang haba pa rin.

"Saan ba?"

"New York." sumimangot siya.

Tumango-tango ako saka ko tinulak pataas yung gilid ng labi niya, "New York yun, wow! I've never been there, but I'd love to kapag nagkatrabaho at nakaipon na ako. And you're one lucky kid. Pero ba't parang hindi ka masaya?"

"Mamimiss kasi kita," niyakap niya ako ng mahigpit kaya sinuklian ko rin yun ng yakap. Nakapaikot ang braso ko sa tagiliran niya, siya naman sa may braso ko. Kakalas na sana ako pero ayaw niya akong bitiwan, hindi ko tuloy makita ang mukha niya.

"Ano ka ba?" tumawa ako, "One week lang, right? Saglit lang naman, siguradong mag-eenjoy ka. It's New York!! And you're with your family."

"Hindi ako mag-eenjoy kung namimiss kita," narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Napangiti ako saka hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"Then make yourself busy. Hindi naman pwedeng lagi na lang tayo ang magkasama. Hindi ka ba nagsasawa?" binaon ko ang mukha kong todo ngiti sa balikat niya.

"Hindi. Bakit, ikaw ba?" lumuwag ang pagkakayakap niya kaya nakakalas na ako ng tuluyan at nakita ang maamo niyang mukha with his lips, pouting.

Ngumisi ako, "Hindi rin."

"Good, kasi habang buhay pa tayong magkakasama," kinindatan niya ako.

Nag-angat ang labi ko, feeling ko may kuryenteng dumaloy sa katawan ko at gusto kong mag-harlem shake ngayon.

"Wag na lang kaya kami tumuloy? Sila na lang, hindi na ako sasama."

I smacked his arm playfully, "Kaya nga kayo pupunta dun, to celebrate your birthday. Tapos hindi ka sasama? Baliw."

Natawa siya sa sinabi ko, "I-memessage kita lagi. Kakamustahin kita lagi. Pababantayan din kita kina Jon at Julian para walang lalaking lumapit sayo sa school, sila ang magiging body guard mo. Babantayan ka nila para hindi ka malapitan ng mga nang-away sayo, habang wala ako. Ni-hawakan ka sa dulo ng buhok mo, hindi nila magagawa, kung hindi malalagot sila sakin. Alam na nila yan. Kapag may kailangan ka, sabihin mo agad sakin. Sumbong mo sakin kapag may ginawang kalokohan sina Jon sayo. Ano pa ba nakalimutan ko? Ah sa mga lalaki, hindi ka pwedeng lapitan--" sa sobrang haba ng speech niya, tinakpan ko na ng kamay ko yung bibig niya.

"Ang dami mo ng sinabi!" napailing ako saka tumawa, "More or less one week ka lang naman! Bakasyon na!"

Tinanggal niya yung kamay ko sa bibig niya at hinawakan, "Iniingatan ko lang ang akin. Baka mamaya ma-snatch pa sakin."

Kumunot ang noo ko, "Wala tayo sa divisoria!"

"Pero nasa Pilipinas tayo kaya marami diyan sa tabi."

"Janella." tawag niya kaya tinignan ko siya, "Mamaya na ang alis namin. Take good care of yourself for me, please?"

Oh ghad. Mamaya na agad. Medyo nabigla ako dun.

Addicted To Her  [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon