Chapter 3

479 16 4
                                    

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Ponce pagkalabas ko ng gate namin.

"Sinusundo ka, malamang."

"Bakit?" lumingon-lingon ako sa likod. Baka makita kami ni Papa eh. Hinila ko agad siya para out of sight na kami mula sa bahay.

"Ano? Anong bakit? Tss. Gusto ko eh."

"Pwes, ayoko!"

Ni hindi ko nga alam pangalan nito eh. Surname lang.

"Hindi ka makakaangal, batas ako."

Napairap ako, "Edi lalabagin kita, school rules nga lang nadadaya. Ikaw pa kaya?"

Nag-alab ang mga mata niya, "Don't you dare cheat on me."

"What?!" nanlaki ang mga mata ko. Anong ibig nitong sabihin?

"Wag mo na layuan si Jane, I changed my mind. But you're my girlfriend now."

"WHAT?! NABABALIW KA NA BA?!"

Nagkibit-balikat siya, "Wag mong sigawan ang boyfriend mo, alright? Mahalin mo na lang ako," inirapan niya ako. The hell.

"Hindi pwede 'to! Hindi ako papayag! Anong karapatan mo? Kahapon lang kita nakilala, hindi ko nga alam kung anong pangalan mo! At, at, bawal pa ako magboyfriend," uminit ang pisngi ko. Nakatingin siya ng seryoso sakin nang bigla siyang humagalpak sa pagtawa. Tiningnan ko siya ng masama.

"We'll take it step by step, bukas na bukas, magpapakilala ako sa magulang mo."

"NO. WAY."

"Wag ka na umangal. Hindi mo ako mapipigilan."

"You are unbelievable!" sigaw ko.

"I know I am. Now, let's go," hinawakan niya ang kamay ko na ikinagulat ko, nasapak ko tuloy siya sa dibdib.

"Ano ba!"

"Not so fast, Ponce! Hindi mo ako girlfriend, stop that!"

"Yes you are!" pinulupot niya 'yung braso niya sa bewang ko.

"Hindi nga! Lubayan mo ako!"

Tiningnan niya ako ng masama. Nagulat ako nang binuhat niya ako bridal style.

"WAHHHH!!" nagwala ako, "Ibaba mo ako!"

Pinagsasampal at tadyak ko siya sa mukha.

"Aray! No, you, stop that!" naglakad na siya, "Ibababa kita kapag umayos ka na. Kapag pumayag ka na."

"Ha! In your dreams!"

"Ah ganun?" tumigil siya sa paglalakad, "Gusto mong ibaba kita?"

"Yes!"

"Sige, tingnan mo 'yung paghuhulugan ko sayo," tumingin nga ako at napairap, "Ano? Gusto mo ihulog kita? Hindi ka pa titino, ha?"

"Shut up! Alam mo parang ikaw 'yan!"

Napatikom ang bibig niya, "Kanal? Bakit?"

"Kasi tanga lang ang mahuhulog sayo!" humalakhak ako.

"Alright then," umamba siyang ihuhulog ako kaya napakapit ako sa leeg niya.

"Oh, ano? Bababa ka na?"  umiling agad ako. Bwisit!

Hinayaan ko siyang buhatin ako, kunwari na lang nahimatay ako kaya nagtulug-tulugan ako para makaiwas sa tingin ng mga tao, baka kung ano pa isipin nila.

Nang napansin kong nasa gate na kami ng school, binaba niya na ako.

"Hay salamat!" asar na sabi ko.

"Let's go," hinawakan niya nanaman ang kamay ko kaya tinaboy ko agad ito.

"Stop!"

"Ayoko," hinawakan niya ulit ang kamay ko, he interlocked his fingers with mine kaya mas lalong hindi ko na mapaghiwalay, "Remember, hindi tayo nagpapanggap tulad ng mga pinapanood niyong mga babae na kacorny-han, totoo 'to. Totoo tayo."

"Um-oo na ba ako? Anong klaseng relasyon 'yan? Isang araw pa lang magkakilala. Bawal pa nga ako! Surname nga lang alam ko sayo eh."

"Jerome Ponce is the name, your boyfriend's name. Got that? Oh ayan, kilala mo na ako. Mahalin mo na ako, dali."

Tumawa ako sa kahibangan nito. Napailing ako, "Hindi 'yun ganun kadali. Iba na nga lang pagtripan mo, wag ako!"

"Oh tapos? Ano pa?" humalukipkip siya at pinagtaasan ako ng kilay. Natahimik ako.

"Tapos ka na?"

Umirap lang ako.

"Good," naglakad na siya at nahila ako dahil magkahawak-kamay kami.

"Nakakahiya!" bulong ko.

Kinunot niya ang noo niya, "Ayoko sa lahat, eh, kinakahiya ako ng girlfriend ko."

"Oh? Tapos?" ako naman ang humalukipkip, hindi lang maayos kasi hawak niya kamay ko. Mukhang naasar na siya. Tama 'yan, "Tapos ka na ba?"

"Wag mo akong asarin. Makikita mo," naglakad na ulit siya, kami pala.

"Tss."

"Bro! Ano 'yan?"

"Bakit hawak mo kamay ni Janella?" tanong ni Jon. Agad uminit ang pisngi ko, gustong-gusto kong bawiin ang kamay ko kay Ponce kaso ayaw niya. Nakakahiya kina Jon at Julian. At mamaya, sa buong klase.

"May problema ba?" tinaas ni Jerome 'yung kamay namin, "She's my girl."

"Woah. Agad-agad?" natatawang tanong ni Julian.

"No--"

"Oo. Wag na kayo magtanong. Basta akin 'to at sa kanya lang ako."

Addicted To Her  [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon