Chapter 7

483 19 2
                                    

"Let's call it a day," sabi ni Ma'am kaya nagtayuan na yung iba kong mga kaklase.

Tatayo na rin sana ako nang hawakan ni Ponce ang braso ko para maupo ulit.

Pinasadahan ko siya ng tingin, mukha siyang naiilang, "Dito muna tayo."

"Uuwi na ako," malamig na pagkakasabi ko sa kanya.

"Sabay na tayo. Ihahatid kita."

Sinuot ko na ulit yung bag ko sa balikat para maghandang umalis, "Wag na, baka abutan mo nanaman si papa," tumayo na ulit ako at ganun rin siya.

"A-ayos lang sakin. Ihahatid lang naman kita, teka," hinawakan niya ako sa may pulso kaya napaharap ako sa kanya.

"Ano?" naiiritang tanong ko sa kanya.

"About kanina.." huminga siya ng malalim, "I'm-- I, uh.."

Ginulo niya bigla yung buhok niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit nauutal nanaman siya?

"Gusto kong layuan mo si Joshua Garcia."

What the fuck? Akala ko naman magsosorry siya. Pero oo nga, bakit ngayon ko lang naisip na imposibleng lumabas yun sa bibig niya?

"Don't tell me what to do, besides, boyfriend lang kita," humalukipkip ako. Nakakainis kaya, kapag ako sasabihin niya, wag akong makialam tapos siya pangungunahan ako? Kanina nga sabi niya, girlfriend niya lang ako. Duh, hindi ka dapat ganyan sa girlfriend mo. Kasi kahit hindi naman kayo inlove sa isa't isa, dapat alamin mo kung nakakasakit na yung mga salita mo.

"Susundin mo ako, Janella. Ako ang masusunod dito, ako ang batas dito."

"Well guess what, may sarili akong pag-iisip na magdidikta sakin kung anong gusto kong gawin at kung ano ang susundin ko. Hindi mo ako alipin dito. Girlfriend-girlfriendan mo lang ako, hindi ko nga alam kung bakit pa ako pumayag gayung parang fake relationship lang naman ito," umirap ako at tinalikuran siya. Bago ako nakatalikod ay napansin ko ang pag-igting ng panga niya.

He groaned but still followed me.

"Janella!"

"Shit!" mura ko pero hindi ko siya nilingon. Nabibwisit na talaga ako.

"Uy LQ?" sabi nung isang nadaanan namin na tumatawa, si Jon. Siya lang ang naglakas ng loob na magbiro ng ganun sa lahat ng nadaan namin ni Ponce kaya siniko agad siya ni Julian. Bago pa sila mawala sa paningin ko ay nakita kong nagpeace sign pa siya sa nasa likod ko na siguradong si Ponce.

"Bi! Wag ka na magtampo!" sigaw niya sakin na ikinagulat ko, nag-eeskandalo pa siya, napatingin tuloy ang maraming tao samin dito sa corridor.

"Tigilan mo yan!" galit na bulong ko without looking back saka mas binilisan ang paglalakad.

"Bi, wag ka na magselos please?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Hinarap ko siya at tinapunan ng tingin na parang nahihibang na siya.

"Yun oh! LQ nga."

"Shh, wag ka maingay!"

"Hehe. Kileg!"

"Selos?" natawa ako.

Ngumiti siya at lumapit sakin, "Ang ganda mo kapag nagseselos ka, bi. Pero wala kang dapat na ikaselos."

"NaBIbwisit na talaga ako sayo, Ponce," bulong ko. He just smirked, grabbed my waist and surrounded it by his arm.

"I'm yours," malakas na sabi niya para marinig ng lahat saka ako kinindatan.

Addicted To Her  [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon