Chapter 9

416 21 9
                                    

Nakakainis! Kung ayaw niya akong pansinin, edi wag!

Hanggang ngayong uwian hindi niya ako kinakausap. Sinuot ko na yung shoulder bag ako at naglakad na palabas nang maramdaman ko siyang nasa likod ko.

Ngumisi ako. Hindi mo ako matiis no?

Oh shit. Napawi agad ang ngisi sa mukha ko nang bilisan niya ang paglalakad at napunta ako sa likod niya. Saktong naglabasan ang ibang schoolmates namin sa mga classroom nila kaya mas napalayo siya sakin.

Nagulat ako nang may makatapak ng sapatos ko mula sa likod kaya natanggal ito sa paa ko. Nilingon ko yung nakatapak para sana irapan kaso hindi ko nagawa!

He's drop-dead-gorgeous.

Omygod I sound like a flirt. Nagwapuhan lang naman ako, I think that's normal kasi gwapo talaga siya. Tapos nakangiti pa. Hindi tulad nung unang kita ko kay Ponce. Umiyak pa sabay tingin sakin ng masama. Such a baby. A brat.

"Sorry miss, di ko sinasadya," nagulat ako kasi bigla niyang niluhod yung isang tuhod niya sa harapan ko at kinuha ang sapatos ko at hinintay na isuot ko ang paa ko.

Masyado naman itong gentleman, namula tuloy ako. Bumaba ako at kinuha yung sapatos ko at sinuot. Nakakahiya kasi saka baka makita pa ng iba, sabihin may boyfriend na ako tapos lumalandi pa.

Tumayo na siya para iabot ang kamay niya sakin. Nakakahiya na talagang tumanggi kaya tinanggap ko naman yun at tumayo na rin.

"Ako nga pala si Daniel," nakangiting sinabi niya.

"Janella," ngumiti rin ako kahit nakakailang kasi ang gwapo niya talaga.

"Uy sorry talaga ha," napakamot siya sa batok, "Una na pala ako. Baka makita pa tayo ng girlfriend ko, selosa yun," he giggled. Ay. May girlfriend na pala siya, pero ang cute niyang tumawa.

"A-ah? Ay, sige," tumawa na rin ako.

"Bal!" narinig ko ang boses ng isang babae na palapit samin.

Sinalubong siya ni Daniel at niyakap ng mahigpit na may panggigigil pa. Aw. She must be the girlfriend. Ang cute rin niya, nila.

"Ang ganda mo talaga Bal."

"Alam ko," tumawa pa yung babae, ang ganda naman talaga niya, nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin siya sakin. Tumingin din ulit si Daniel sakin.

"Ay, Bal, si Janella nga pala, nakilala ko kasi natapakan ko sapatos niya," natatawang sabi niya.

Tumango-tanga yung babae na akala ko kanina ay Bal ang pangalan, "Lagi ka kasing nagmamadali."

"Syempre, excited na makita ka," nanggigil nanaman si Daniel at niyakap yung Bal niya na bumusangot.

"DeeJaaaay! Ano ba!" nahihiyang tumingin sakin yung babae, "Pagpasensyahan mo na si DJ ha. Ako nga pala si Kath, girlfriend niya."

"Ah, ikaw pala yung nabanggit niya na selosang girlfriend, ang cute niyong dalawa," ngumiti ako.

"Thank you," nginitian niya ako tapos tiningnan niya ng masama si Daniel, "Ako pa pala selosa ha?"

Tumawa nanaman si Daniel at tinago sa mga kamay ang mukha. Ang cute lang talaga, bagay na bagay nga sila.

"Ah, naku, kailangan ko ng umalis," paalam ko, "Yung boyfriend ko kasi hinihintay ako sa baba. Anyway, nice meeting you two!"

Tumango silang dalawa, "Nice meeting you rin. Sige na, baka mainip na si JP," tumatawang sagot ni Daniel.

Ngumiti na lang ako, kilala pala niya si Ponce at alam pa niyang boyfriend ko, sikat na sikat talaga yung loko na yun dito.

Addicted To Her  [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon