Kung hindi niyo naitatanong kung bakit paiba-iba ang mga katabi ko tuwing next subject. Kasi iyon ang gusto ng mga teachers eh. May iba gusto ng alphabetical, by height, by beauty, CHOS! By eye defects, hahahaha, marami kasi sa mga kaklase ko ang nearsighted at farsighted...kabilang na ako.
Nasa classroom lang kami. Hinihintay naming dumating na si ma'am. Habang wala pa si ma'am , may iba nakikipag-chika.han sa katabi nila, may iba naglalaro sa kanilang tablet. Bakit hindi capsule nalang ang itawag o kaya'y caplet, o syrup, o lozenge? CHOS! Hahahaha. May iba nagbabasa ng wattpad, nagtetext, may kumakanta...kahit sintunado. Mga frustrated singer, pero kahit papaano'y audible naman ang mga boses nila. Di katulad ng boses ni Micuil na kulang nalang makabasag na ng eardrums, hayst. Oh well ultra kasi boses niya. Hahahaha .
Anywho.... Ako lang ata ang walang ginagawa. Nakatunganga lang ako dito. Nakakatamad kasing gumalaw, makipag-usap.
Mga ilang sandali lang dumating na rin si ma'am. Tatayo na sana kami upang batiin siya kaso nag-hand gesture lang siya na nagpapahiwatig na magsi-upo na. Anong nangyari kay ma'am.
May isinulat si ma'am sa board.
Huwag mag-ingay. Hindi ako makakapagsalita ng maayos kasi masakit lalamunan ko. Gumawa lang kayo ng sanaysay tungkol sa "Sino ang dapat masunod: ang isip ba o ang puso?" . Apat na talata. Dapat hindi bababa sa apat na pangungusap sa bawat talata. Isulat sa buong papel.
Natapos na si ma'am sa pagsusulat at umupo na sa upuan niya. May binabasa lang siyang libro, para siguro hindi siya ma-bored.
Hmmm...Sino nga ba ang dapat masunod? Urgh! Nakaka tsunami naman ng utak itong topic na ito.
Ano 'to? Brain storming lang? Hindi porket nasa pinakaunang section ako, agad ko na itong masasagot. Hayst... Ang yabang ko, no? Kung maka 'pinakaunang section lang ...
Kukuha nalang ako ng one whole sa clutch bag ko.
Pagkalabas ko ng one whole paper ko...
" Hi Rowenna..." Ngiting ngiting sabi ni Kenny. Eh alam ko naman kung anong pakay nito sa akin. Binigyan ko na agad siya ng papel. Hayst...
" Rowenna!!" Tawag ni Ben. Naghand gesture pa siya ng pahingi. Hayst... Binigyan ko na siya.
Maya maya pa'y lumapit na din yung iba kong kaklase. Hayh naku... Kung hindi lang ako maramot...
Bigay doon, bigay dito. Hayh nakakapagod palang magbigay. Nangangalay na kasi kamay ko.
" Dayh?" Tawag ni Hazel. Kaya binigyan ko na din siya. Nagsi-alisan na rin ang mga pulubi. Hayh naku.
Pagtingin ko sa papel ko... HWHAAAAT??!!! Isa nalang ang natira?! Hwaaaaaaaaaa! Huhuhuhu...
" Rowe--"
" Wala na akong papel! Mga KSP kayo! Huhuhu..." Putol ko sa sinabi niya. " Mga kulang sa papel!"
Huhuhu... Wala na akong papel. Sa isang araw ko pa iyon nabili, tapos ngayon, wala na.... Huhuhu.
Pag ako humingi ng papel sa kanila at hindi nila ako bibigyan... Makakita talaga sila ng naglalagablab na kidlat na apoy. CHOS! Hahahaha....
------------
*Joke*
Anak: Tay!
Ama: Oh anak bakit?
Anak: Pwede pong tulungan niyo ako sa assignment ko?
Ama: Ahh...Sure. Anong subject?
Anak: Math po.
Ama: Math lang pala, eh. Sige, sabihin mo sa akin kung ano...
Anak: Find the least common denominator daw po.
Ama: Aba! Noong elementary pa ako niyan, ah! Hanggang ngayon di pa rin nila nahahanap?!
Tanong ko lang...
Sino ang mas malas? Ang taong laging minamalas? O ang taong laging walang swerte?
Riddle:
What can be seen but never touch?
-------
Thanks sa pagbabasa. Sorry kung ngayon lang naka UD. Sobra kasing busy. Hahahaha.
Pwede po kayong mag comment kung gusto niyo po.