# Pass the notebook

109 8 4
                                    

Math time na. MY VERY FAVORITE SUBJECT!!!

Sino bang hinayupak ang naka imbento ng subject na math?! Urgh! Papatayin ko talaga!

Ay mali. Matagal na palang patay. Edi papatayin uli kita diyan sa libingan!

" Huy! Anong nangyari sa iyo?" Si Francea iyan. Seatmate/classmate ko.

" Hah? Ano... Wala. Hehe." Pasaring ko.

Hayh.... Makikinig nalang ako... Pero kahit anong intindi ko, wala paring pumapasok. Lagyan ko kaya ng brain trap utak ko...

" Psssst..." May sumisitsit ng mahina. Sino kaya yung pesteng iyon?

" Rowenna... Tawag ka ni Oddysie." Sabi ni Francea sabay turo gamit ang hintuturo niya. Tiningnan ko kung saan nakaturo ang hintuturo niya.

Si Oddysie pala ang kanina pa sumisitsit.

" Ano?" Mahina kong sabi. Actually, parang wala talagang sound ang lumabas kumbaga lip sync. Kainis naman tong si Oddysie.

" Yung Cellphone ko." Lip sync niya.

Hala! Hindi ko pa pala nasuli ang phone niya simula kahapon. May ipinapasa lang kasi akong songs.

" Mamaya na." Lip sync ko.

" Ngayon na." Lip sync rin niya.

Kinuha ko ng dahan-dahan ang cp niya sa bulsa ko habang nakatingin ako kay ma'am na nagdidiscuss.

Tumingin ulit ako kay Oddysie.

" Baka makita ni ma'am. " Lip sync ko.

" Basta akin na." Lip sync niya.

Hayh... Paano ba ito?

Light bulb!

Kinuha ko ang scratch notebook ko. At itinago sa likod nung notebook ang cp ni Oddysie. Bali nakaharapa ang notebook. Para di mapansin ni ma'am ang cp.

" Candy... Pakipasa kay Oddysie. " Sabi ko ng mahina kay Candy na nasa kabilang row. At iniabot ko sa kanya yung notebook. Nahalata niya siguro ang cp kaya maingat rin niyang kinuha iyon.

Pinasa pasa yung notebook na may cp hanggang sa makarating iyon sa kanyang destinasyon.

Hayh... Tumingin si Oddysie sa direksyon ko.

" Thank you." Lip sync ko sa kanya. Nag-approve lang siya.

Hayh... Makabalik na nga sa lessons. Wait... Ba't lahat ng mga classmates ko nakayuko? Huh? Nag-sosolve sila?! What?! Naman, oh!!!

#KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon