# Worry

168 13 7
                                    

Ang tabs ko na!!!! Ba't ganoon?! Banat kung banat akong magpapayat pero parang wala lang nangyari. May ilan umuupo lang sila, pinagpapawisan na... Kahit gabundok na ng kanin ang kinakain nila, di pa rin sila busog at di rin tumataba.

Ako... Kawawa... Bali bali na ang aking mga buto kabubuhat ng barbel... Tumatakbo sa tred mill kahit walang paroroonan.... Paulit ulit na pagjojogging sa lugar na ewan, basta walang putik at tae... Laging umiinom ng inuming pampapayat...DAW! At naniwala naman akong TANGA! Sumasali na nga rin ako sa mga zumba zumba... At ako ang pinakabata...huhuhu...O.P. ako... Tuwing umaga cereal at oats lang ang kinakain ko... Tuwing papasok sa klase lagi kong suot ang Corset para di mahalata ang baby fats sa tummy ko... Waaa!!! Papayat din ako makikita niyo rin! Pustahan... Maiinlove kayo sa akin. Hahabul-habulin niyo pa ako! Hahahaha...

" Ssst... Huy!" Hula ko... Ang magaling na kuya ko nanaman ito... Iniangat ko ang ulo ko upang makita siya.

" Ano?!"

" High blood?" Mapanukso niyang sabi.

" Ano nga kasi?!" Inis ko ng sabi.

" Musta pagpapayat mo, ha? Parang walang improvement, eh. Hahaha." Tawa tawa pa. Kainis!

" Huwag mo na nga akong guluhin kuya! Nakakasuka iyang mukha mo!" Sabay tulak ko sa kanya

" Kung nakakasuka mukha ko...MAS nakakasuka iyang sa'yo! Hahaha"

" Che! Umalis ka na nga! Iniisturbo mo ako sa mga assignments ko!"

" Wow!... Kailan pa naging assignment si James Reid?"

" Kainis ka! Umalis ka na nga sa kwarto ko!" Sabay tulak sa kanya palabas.

Gumagawa kasi ako ng scrapbook... Hehehe... Mga pictures ng BOYFRIEND KO! Wala kasi akong ibang magawa... Hehehe...

#KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon