Linggo ngayon. Nagkakaayaan ang mga kaklase ko na lumabas. Buti pinayagan ako ni mama. Ang rason ko kasi kung bakit ako lalabas dahil may group project kaming gagawin. Hahahaha... Sush lang kayo, ha?
Magkikita lang daw kami sa mall. Nandito na ako sa mall. Wala pa rin sila. Hayh... Naglibot libot na muna ako.
Wow! May nakita akong stuff toys sa may toy store. Ang cute ng mga ito. Hayh... Sana may magbigay rin sa akin ng mga ganito.
*Bubble Pop*
From: Donna
Nasaan ka na? Andito kami sa game station.
Pumunta agad ako doon. Nakita ko naman agad sila.
" Donna!" Sigaw ko. Kinawayan niya lang ako.
Pumunta na ako sa may gawi nila.
" Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.
" May hinihintay lang...... Oh! Andiyan na pala sina Micuil. " Sabi ni Donna.
" Dayh?! " Tawag ni Hazel sa akin.
" Oh?"
" Nag-Update ka na ba sa "Kalokohan"?" Tanong niya sa akin.
" Hindi pa, eh. Nagtatype pa lang ako..." Sabi ko.
Oo. Nagtatype palang ako nitong mga binabasa niyo ngayon mga readers. Hahahahaha.
" Tara na!" Sabi ni Donna.
" Saan tayo pupunta, huy?! " Tanong ko.
" Man-trip..." Sabi ni Donna.
" Man-trip? Nino? Saan?" Taka kong tanong. Pero maya-maya lang na.gets ko na. " Ahhhh. Na G ko na!"
Nasa may kumpulan kami ng mga tao.
" Trip time!" Sabi ni Gissa.
" Oh sinong gustong mauna?" Tanong ni Micuil.
" Ako!" Sabi ko.
Pasimple lang akong lumapit sa tabi ng isang lalaki na mukhang may hinihintay. Siguro ka age lang namin siya. Matangkad siya at gwapo naman. Nakasuot siya ng three fourths na blue, jeans na green at converse na gray. Ako rin nasa MAY HINIHINTAY MODE din ako kagaya niya na parang di siya napansin at nakita.
Maya-maya kinuha ko ang phone ko at acting acting lang na may idenial na number.
" Oddysie! Sure ka bang dito ko siya makikita?!" Nilakas ko ng konti ang boses ko. " Ang dami kasing tao dito! Aabutin ako ng sampu sampu sa paghahanap sa kanya!... Sure ka bang dito ko siya matatagpuan?! Ang hirap kasi mahanap iyang taong iyan! Idescribe mo nalang hitsura niya!.... Matangkad?!.... Madaming matangkad dito!.... Gwapo?!.... Maraming gwapo dito!..." Nakita ko malapit sa gawi ko ang mga kaklase ko na pasimpleng tumatawa. " Anong suot niya?!... Naka three fourths na blue?!..." Nakita ko sa peripheral view ko na parang na shock ang lalaking katabi ko. At nakita kong tiningnan niya ang suot niya. " Naka jeans na green?!..." Nakita ko na naman sa peripheral view ko na tiningnan ng lalaki ang pantalon niya. " Naka converse na gray?!..." At tiningnan niya rin ang sapatos niya. Hahahaha. " Ang hirap naman hanapin ang taong sinasabi mo! Sure ka bang dito ko siya matatagpuan?!.... Sige, sige. Baka nasa tabi tabi lang iyong taong iyon. Sige, i.try kong hahanapin iyong taong sinasabi mo. Bye!" At acting acting lang ang pag.end ko ng call.