Sabado ngayon. Nasa bahay lang ako. Si kuya nasa school, may dance practice daw siya... Suus! Dance practice daw... Hahahaha.
Nakadapa lang ako dito sa sofa. Bored na naman ang lola niyo... Cheap ng lola. Hahaha. Basta bored ako. Tuwing weekends, lagi akong bored. Ayaw ko rin namang lumabas. Baka may kumidnap sa akin, dadalhin ako sa isang tagong lugar, tapos rirape-in ako, mawawala ang hiyas ko, tapos pag ayaw na ng taong kumidnap at the same time nang-rape sa akin, papatayin ako, tapos nabalitaan nalang akong duguan tapos hubad sa mga newspaper, t.v. o radyo . Huhuhu. Ayaw ko ng ganoon. Except kung si James Reid iyon. Hahaha. Just kidding. Pero seryoso.. Uso na kasi ngayon ang mga ganyang krimen. Kaya mga girls, careful talaga dapat tayo. Hahahaha.
Nakita ko si mama na nakapustura. Saan lakad nitong babaeng ito? Kung makababae, parang di ina niya. Hahaha.
" Ma, saan po kayo pupunta?" Tanong ko.
" May seminar kasi ngayon ang mga teachers. " Sabi ni mama. Nag-titeach pala si mama. Bali teacher siya. Hahaha.
" Sama ako. Wala akong magawa dito, eh. Nabobored na ako." Sabi ko.
" Kung ganoon, eh...may isang tray ng mga labahan diyan, labhan mo. Tapos yung kwarto natin, pinamamahayan na ng mga gagamba, tanggalin mo ang mga bahay nila. Tapos yung mga plato, di pa nahuhugasan, hugasan mo. Yung bakuran, di pa nawawalisan, pati mga halaman di pa nadidiligan. At dito sa sala, walisan mo narin." Sabi niya. Ano daw?
" Ha?! Mama naman, eeeh!" Inis kong sabi.
" Diba sabi mo wala kang magawa. Oh, iyan binigyan ka na ng opportunity para may magawa ka." Sabi niya.
" Mama naman, eh..." Sabi ko.
" Rowenna anak, wala tayong katulong dito sa bahay. At dalaga ka na...dapat matuto ka na sa mga responsibilidad mo. Hala! Malilate na ako. Sige bye anak *muwah*. Mag-ingat ka dito, ha? At iyong mga hinabilin ko sa iyo. Kailangan pag.uwi ko nagawa mo na. Sige anak." At tuluyan na siyang lumabas papuntang garahe. Narinig ko ang pag-andar ng sasakyan.