Sa loob ng apat na taon sa sekondarya... Sa wakas! Natapos narin ang lahat ng paghihirap. Ang lahat ng assignments, projects, quizzes etc.
Natapos na ang aming graduation kahapon. Ngayon ay nagf-farewell party kami. Sa loob ng mga taon na iyon, maraming mga bagay ang hinding-hindi malilimutan. Ang lahat ng asaran, tawanan, kulitan, pagtutulungan, pagdadamayan, kalokohan at pagkakaibigan.
They are more than just as my classmates. They are my friends. They my are brothers and sisters. They are my second family.
Not until this day ends, I will take the chance to be with them. To laugh, to smile, and to cherish each moment with them.
Katatapos lang namin kumain. Nagpapahinga muna kami para mamaya. Mags-swimming kasi kami sa dagat. Nagpahinga muna kaming lahat dito sa cottage. Hindi lahat ng mga kaklase ko ay nandito kasi may iba hindi pinayagan.
Kung hindi dahil sa kanila hindi ako gagraduate... Echos! Kahit wala sila kaya ko namang tumayo sa sarili kong paa. Pero iba talaga pag may kadamay ka sa bawat pagsubok ( tulad ng quizzes, assignments, at projects... Kahit recitation.)
Kahit tapos na ang aming pakikibaka sa sekondarya, hindi parin natatapos ang aming pagkaka-isa. Lalung lalo na ngayon na magkokolehiyo na kami, hindi parin natatapos ang aming mga nakasanayan. Kahit iba iba ang aming mapipiling kurso.
" Mags-swimming ka mamaya Dayh?" Tanong ni Hazel sa akin.
" Uhmm... Oo. Pero sa mababawng parte lang ako. Mga hanggang tuhod lang... Hindi kasi ako marunong lumangoy. Hehehe." Sagot ko.
" Ahahaha. May life vest at salbabida naman, eh."
" Kahit na. Natatakot parin ako. "
" Ahahaha... Try nating pumunta sa malalim na part. Sige na...please. Akong bahala sa'yo. " Sabi pa niya.
" Ha? Eh natatakot ako, eh."
" Sige na... Please." Sabi niya sabay pout. Kung hindi ko lang to kaibigan, malamang sinikmuraan ko na to. Hahahaha.
" Sige na nga."
" Yey! " Patalon niyang sabi.
Maya-maya lang din ay nagsilusuban na ang iba kong mga kaklase sa dagat.
" Rowenna! Halika na! Malamig ang tubig!" Sabi ng isa kong kaklase na nasa dagat na.
" Dayh! Heto na ang life vest at salbabida." Sabi ni Hazel sabay abot sa akin nun.
" Safe ba'to?" Tanong ko.
" Ay hindi Dayh. May timer pala iyan. Pag-isinuot mo na saka magka-countdown ng 60 seconds at maya-maya sasabog din." Sarkastiko niyang sabi.
" Funny..." Wala kong ganang sabi.
" Rowenna! Hazel! Halina kayo!" Aya nila sa amin.
" Paano ka? Bakit wala kang dala ng katulad sa akin?" Tanong ko.
" Minamaliit mo ba ako? Siyempre marunong yata akong lumangoy!" Proud niyang sabi.
Matapos kong sinuot ang life vest ay lumusong na ako sa dagat. Nasa may bandang tuhod pa ako ng tubig. Natatakot kasi ako.
" Halika na Dayh!" Sabi ni Hazel.
" Sure kang safe to? "
" Sure na sure. Halika na!" Sabi niya sabay hila sa akin. Isinuot ko na din ang salbabida, para super sure.
Palalim na ng palalim ang ang paglusong ko. Hanggang sa naramdaman ko nalang na lumulutang na pala ako.
" Dayh! Lumulutang ako!" Natataranta kong sabi.