Waaah! Ang gwapo talaga ng boyfriend ko! Waaaah! Hawak hawak ko ngayon ang picture niya...
" Rowenna? Ano tinitili mo jan?" Tawag ni kuya Roswell.
" Wala po...!"
Kinikilig parin ako habang tinitingnan ang picture ng boyfriend ko.
" Lumabas ka nga jan sa kwarto! Baka anu na ang mga pinaggagawa mo!"
Lumabas na ako ng kwarto.
" Ba't pawis na pawis ka diyan... Para kang basang sisiw. Huwag mong sabihing nagmamastur---"
" Roswell...!" Si mama. Pinandilatan ni mama ng mata si kuya. Huh?? Bakit?
" Sorry po ma." Nakayuko niyang sabi. Tumingin ulit siya sa akin.
" Oh bakit ka ba basa ng pawis?" Tanong ni kuya.
" Huh? Ahh wala... Mainit lang kasi sa kwarto."
Ang hot kasi ng boyfie ko kaya ako pinagpapawisan. Umupo nalang muna ako sa sofa. Magkaharap kami ni kuya. Nagbabasa lang siya ng newspaper... Tsss... Parang matanda...
*Bubble Pop*
In-slide ko ang touch screen phone ko. Gm lang pala. Wait babasahin ko nalang. Ahahaha. Nakakatawa tong binasa ko.
" Anong nginingiti ngiti mo jan? Para kang timang!" Sabi ni kuya.
Mabiro nga... Hahaha.
" Ahhh wala naman. Nag text lang ang boyfriend ko..." Pabiro kong sabi.
" Anong sabi?" Tanong niya.
" Pupunta daw siya dito mamaya. "
" Rowenna... Pag niloko ka niyan... Naku! Makakatikim talaga siya sa akin!" Sabi niya at nag.aaction pa ng nakakamao.
" Awh sweet mo kuya..." Sabi ko at naka pout.
" At naniwala ka naman." Sabi ni mama kay kuya...
Nakatingin si kuya sa akin ng ganito -____-... Hala! Anong ginawa ko?! Totoo namang may boyfriend ako... Si James Reid...
" Kuya... Hehehe peace...^____^v..." Sabi ko habang naka peace sign.