# Cheat-tah

86 5 1
                                    

Malapit ng mag time para sa next subject namin, which is Filipino. Nag-aaral muna ako. Bait ko, noh? Haha. Hayh... Pero dahil maingay mga kaklase ko di ako magkapag-concentrate. Waaah!

" Langasa pud aning mga tawhana ni." Nasabi ng katabi ko sa kaliwa, na nagngangalang Angel.

" Ano sabi mo? " Bisaya ka si siya, laking Dumaguete.

" Hayh... Sabi ko napakaingay nila. Hindi na ako makapag-concentrate." Inip niyang sabi.

" Same here." Sabi ko.

" Urgh! Kainis!... Dayh...?" Sabi ng katabi ko sa kanan.

" Yep?" Tanging sabi ko.

" Dating gawi, ah?" Sabi niya. Siya pala si Maria Hazel.

" Yeah..." Sabi ko.

" Apila pud ko ninyo..." Sabi ni Angel. Nagbibisaya na naman. Hayh naku. " I mean, isali niyo naman ako." Pagsasalin niya.

" Yeah." Sabi ko at itinuon ko ang pansin sa pag-aaral.

Ilang sandali lang dumating na rin si ma'am.

" Magandang hapon, class."

" Magandang hapon po ma'am." Bati namin.

" Magsi-upo na."

" Salamat po ma'am. "

" Kumuha ng kalahating pahalang na papel. At isara na ang mga nakabukas." Sabi ni ma'am.

" Ma'am? Pati po ilong namin?" Takang tanong ni Jay-Ann.

" Ibig sabihin nun, isara niyo na ang mga kwaderno niyo, mga kodigo niyo, o ano paman. "

" Ahahaha... Si ma'am talaga." Sabi ni Andrew.

" Dayh... May lengthwise ka ba? " Tanong ni Hazel.

" Ako pa..." Sabi ko.

Binigyan ko siya ng papel.

" Ako pud..." Pagbibisaya ni Angel. Medyo naiintindihan ko naman siya ng konti kaya alam ko kung anong ibig sabihin nun. Binigyan ko rin siya ng papel.

" Number one. " Panimula ni ma'am. " Sino ang sumulat ng kwentong Ang Ama?"

Hala! Nakalimutan ko. Ano nga ba iyon?

" Dayh..." Mahinang sabi ni Hazel.

" Nakalimutan ko... Angel alam mo ba?" Tanong ko kay Angel na nasa kaliwa ko.

" Nalimot ko." Sabi ni Angel.

Hala patay. Dumungaw ako ng palihim bahagya sa harapan. Hindi ko makita.

" Pssst Jinky." Mahinang tawag ko kay Jinky.

Siguro alam na niya kung ano ang pakay ko kaya iniangat niya ng bahagya ang papel niya.

Naalala ko na. Si M.R. Avena pala.

Itinahaya ko ng bahagya ang papel ko nang makita nina Angel at Hazel.

" Number two. Sa anong teoryang pampanitikan ang Tahanan ng isang sugarol?" Sabi ni ma'am.

Yes! Alam ko ito! Imahismo. Itinihaya ko parin ang papel ko.

" Number 3. Sino ang nagsalin ng kwentong Ang Paghuhukom?"

Ano nga ba iyon? Liwayway Batista? Parang hindi, eh.

" Dayh...?" Mahinang sabi ni Hazel.

" Nakalimutan ko dayh..." Sabi ko. "Ano nga ba iyon?... Angel?" Mahina kong sabi kay Angel.

" Si Lualhati Bautista gud." Sabi niya ng mahina. Ahhh naalala ko na.

Natapos din ang test at magwawasto na kami.

Ngayon magrerecord na ng mga scores. Hindi ko pa alam kung magkano ang score ko dahil nasa checker pa. Hindi pa ibinabalik.

" Rowenna?" Tawag ni ma'am. Hala bakit ang tagal? Sinong nagcheck? " Sinong nagcheck sa papel ni Rowenna?" Tanong ni ma'am.

" Ayh! Labing anim po ma'am." Sabi ng checker ng papel ko. Hayh salamat at apat lang ang mali. May mga ilan pang tinawag bago ang pangalan ni Angel.

" Angel?" Tanong ni ma'am.

" Labing walo po ma'am. " Sabi ng checker sa papel ni Angel.

Hala! Bakit ganoon? Pareho lang ang mga sagot namin, ah.

Sunod na ring tinawag ang kay Hazel.

" Hazel?" Tanong ni ma'am.

" Labing walo po ma'am. " Sabi ng checker sa papel ni Hazel.

Hala bakit ganoon? Pare pareho lang mga sagot namin, ah.

" Hazel bakit 18 ang score ninyo ni Angel?" Pagtatakang tanong ko kay Hazel.

" May binago kasi akong sagot. Dali dali ko nalang iyong sinulat dahil ipinapasa na kasi ni ma'am. " Pagpapaliwanag niya.

" Hayh... Ana jud ng life dayh." Sabi ni Angel.

Tiningnan ko siya ng may pagtataka sa sinabi niya. Tinawanan niya lang ako. Huhuhuhuhu....

Sa susunod talaga, PROMISE PEKSMAN! Mag-aaral na talaga ako sa bahay palang.

#KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon