# Prom

68 3 0
                                    

Kay bilis talaga ng panahon. Mamaya ng alas sais ang seniors prom at alas singko imedya magsisimula ang grand entrance. Hindi naman ako ganoon ka excited. Excited lang ako dahil sa pagkain, yun lang ang nakaka-excite na part, ang dinner. Hahahahaha. Last year nga sa juniors prom, hindi ko feel ang mag-enjoy. Naka-upo lang ako at bag-down... Nakatulog ako, paggising ko, ayun... Tapos na ang prom. Hayh... Hindi naman talaga enjoyable yun, especially kung hindi mo kasama ang special someone mo. Hayh... Mas mabuti nang matulog kaysa pinapanood ang special someone mo na may kasayaw na iba. Baka nga hindi siya ang meant to be ko. I.rereserve ko nalang ang first dance ko. Pero dream ko talagang maka-sayaw siya kahit isa lang. Last na kasi ito, gusto kong magkaroon ng memorable event sa buhay ko, ang makasayaw ang crush ko. Malapit narin kasi ang graduation, at hindi ko na siya makikita pang muli.

Kasalukayan minumulestya ng cosmetic brush ang mukha ko. Hahahaha... Ang kaibigan ni mama na pa-girl ang nagmemake-up sa akin ngayon. Home service lang. Kaninang umaga pina mani and pedicure ni mama ang mga kuko ko. Ang daming arte talaga nito ni mama. Hindi naman makikita at mapapansin yun.

Hindi ko alam kung ano ang hitsura ko ngayon. Kanina ko pa kasi napapansing tumatawa ng palihim si kuya. Baka nagmukha na akong payaso nito ngayon. Lagot talaga sa akin tong baklang ito pag nagkaganun ang mukha ko. Sabi niya smokey eye makeup daw ang bagay sa baby pink ball gown ko. Ano yung smokey? Umuusok yung mata ko? Ganun ba 'yon?

Nilalagyan na ako ng lipstick. Baka mag-mukha na akong si Maria Mercedes nito ngayon. Feel ko ang kapal na ng lipstick ang niligay ng baklang ito.

" Done... Di ba perfect mother? " Sabi ng bakla. Tumango lang si mama. Dali dali kong kinuha ang plane mirror sa lamesa. Of all the fairness in the universe, nagustuhan ko ang makeup na to. Pero bakit tumatawa si kuya? Maganda naman ang kalabasan sa akin. Baka trip niya lang mang-asar.

Pumunta na ako sa kwarto ko upang isuot na ang aking "my-own-designed" ball gown. Hahahahaha. Gusto ko sarili kong design ang isusuot ko. Kasama ko si mama sa kwarto upang tulungan akong isuot ang ball gown ko. Then next ko ng isusuot ang aking closed 5-inches silver shoes. Hindi lang basta bastang silver, with giltters and sequins pa.

Ready to go na ako.

" Anak..." Tawag ni mama. " Isuot mo ito." May hawak siyang unisilver necklace at isinuot sa leeg ko.

" Thanks ma." Sabi ko sabay yakap kay mama.

Lumabas na ako ng kwarto. Nakita kong pumalakpak ang bakla. Nahihiya na tuloy ako. Parang ayoko nang lumabas ng bahay.

" Dalaga na talaga ang kapatid ko." Sabi ni kuya.

" Kuya naman, eh!" Tinawanan niya lang ako.

" Dali na... Malapit ng mag-aalas singko imedya." Sabi ni mama. Si kuya lang kasi ang maghahatid sa akin ngayon. Marunong na kasi siyang mag-drive bago pa niya nakuha ang driver's license niya.

------------

Kinakabahan akong lumabas ng sasakyan.

" Lumabas ka na. Huwag kang kabahan. Daig mo pa ang babaeng ikakasal sa pagkakaba mo." Sabi ni kuya. Ngumiti lang ako at binuksan na ang pintuan. Ang dami ng tao sa labas ng hall. Hindi ko makita ang mga kaklase ko.

" I.text mo lang ako 'pag magpapasundo ka na." Sabi ni kuya at pinaharurot na ang sasakyan.

Hindi ko makita ang mga kaklase ko. Baka nasa dulo sila. By section kasi ang arrangement ng grand entrance. Dahil kami ang first section, kaya kami ang huli sa grand entrance.

Dahan dahan akong naglalakad baka matapilok ako, samahan pa ng mahaba at malobo kong ball gown. Skin tone see through ang sleeves ng gown ko. Ayaw ko kasi ng tube or stringlers. Ayaw kong i.expose ang skin ko. Hahahaha.

#KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon