Ilang araw nalang graduation na. Sa napakaGANDAng palad ( tulad KO), naipasa ko naman ang pre-finals examination. Kaya hindi na ako mag tetake pa ng finals. Bakit ko naipasa? Well... You know na... The magic thingy. Hahahaha. It's called HELPING HANDS. Pero walang helping hands sa NAT. Huhuhu. Pero ok lang, di naman mag-rereflect sa grade iyon. So ayun nga, natapos na lahat ng paghihirap. Lahat ng projects, school fees, etc. Natapos na rin ang aming recollection. Hindi ko na naisali pa ang recollection sa akda ko kasi di ba sabi, what you hear stays here. At saka tinatamad na ako.
Nasa classroom lang kami, nakaupo sa sahig. Katatapos lang kasi naming mag general cleaning. O diba ang bait namin?! Hahahaha.
Nag-s-spin the bottle sila. Nakisali narin ako. Umiikot na ngayon ang bote at natapat kay Mc Rowee.
" Rowee!" Tawag ni Annabeth. " Sino ang junggols mo?" Tanong niya.
(Junggols= crush)
" Iiiiiihh... Umamin ka na." Sabi ng isa kong kaklaseng lalaki.
" Ok fine! Si........" Pabitin niyang sabi.
" Huwag ng pabitin! Umamin ka na! Tutal wala naman siya dito, eh. Akala mo di namin alam... Kaya sabihin mo na!" Sabi ni Donna.
" Nagtanong pa kayo kung sino, eh alam niyo naman pala!" Sabi ni Mc Rowee.
" Aminin mo na kasi, huwag ng KJ!" Pagpupumilit ni Donna.
" Ok fine! Si Mae! " Sabi ni Rowee. Naghiyawan ang mga kaklase ko.
Di nagtagal nagsawa narin kami sa pags-spin the bottle. Pero nakaupo parin kami sa sahig. Iba sa mga kaklase ko panay ang selfie at groufie. May iba nag-wawattpad, tulad ko.
" Guys! Alam niyo iyong feeling na masakit na ang tiyan mo na gusto mo ng mautot...? Hahahaha... " Sabi ng kaklase kong lalaki.
" Kaya pala may masamang hangin kanina... " Sabi ng kaklase kong babae. Natawa nalang kami.
" Naranasan niyo na bang naiihi na kayo tapos may pinapanood ka...? Tapos sasabihin niyo na sandali lang kasi may pinapanood ka pa... Hahahaha." Sabi ni Donna.
" Agree. Lalung lalo na kapag forevermore ang pinapanood ko. Makakahintay naman ang pantog mo, eh ang pinapanood mo? Hindi! Mas ok sana kung pwedeng i.pause or backward... " Sabi ko. Nagtawanan nanaman kami.
" May sasabihin ako sa inyo guys... " Sabi ni Mc Rowee.
" Gora!" Sabi ko.
" Sobrang nakakadiri ito. Noong huling sabado pa ito nangyari. May inutos sa akin si mama nun. Habang nagda-drive ako ng motor, dahan-dahan lang ako sa pagmomotor. May isang tao na malakas na nagpaandar ng kanyang motor kaya nasa unahan ko siya. Then, medyo mahangin-hangin nun. Narinig kong umubo siya, tapos dumura sa gilid. Imbes na sa gilid mapunta ang dura niya, napunta sa akin. Mabuti sa braso ko lang natapon iyong dura niya. May malagkit pang plemang kasama..." Sabi niya. Nag-ew ang mga kaklase ko.
" Tama na Row! Nakakadiri! Nakitang may kumakain dito!" Singhal ni Sheenaleah. Nagtawanan na naman kami.
" Sa bahay pag si mama na ang naglalaba, hinding hindi talaga ako magpapakita." Sabi ni Miss Pres.
" Bakit?" Takang tanong ni Hazel.
" Nakakairita kasi. Pag nagpakita ako sisigawan na naman niya ako na, Hoy Anjely! Tumulong ka dito! Hindi ka na nahiya! Kebabae mong tao! Ni hindi ka marunong maglaba kahit sa sarili mo mang panty na pinag-reglahan mo! Minsan nga nahihiya akong lumabas ng bahay. Hahahahaha..." Sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/30381896-288-k663375.jpg)