# School Expenses

246 12 5
                                    

Hayh... Kahit na nasa public school ka ang dami paring babayarin: PTA, miscellaneous, graduation fee, Classroom donation... Magdodonate lang ang may gusto ang hindi walang plus points....kainis, noh?, at prom ticket... Letcheng prom na iyan! Hindi naman ako nag-eenjoy last year.

Bukas narin ang deadline ng miscellaneous... Ayaw ko kay mama humingi ng pera... Basta! Masyado kasi siyang matalino!

Kay lolo lang ako laging humihingi ng pera pag may babayarin sa school... Mabait talaga si lolo...except dun sa BAGO niyang asawa. Kapal ng mukha!

Kinuha ko ang phone ko at tinext si lolo.

To: lolo

Good morning po lo. Ano...ahh... Bukas na kasi ang deadline ng miscellaneous fee namin... Pwede po ikaw ang magbayad?"

From: Rowenna

*sent

Ayan na send ko na.

*Bubble Pop*

From: lolo

Magkano apo?

Yes! Nagtanong si lolo kung magkano means siya magbabayad.

To: lolo

250 php po.

Ayan na nasend ko na. Actually 180 php lang ang aming miscellaneous fee. Sush! Quite lang kayo. Kaya ayaw ko kay mama humingi, eh. Hindi kasi madaling mauto.

*Bubble Pop*

From: lolo

Sige apo. Pupuntahan kita jan sa school mo mamayang 12 noon. God bless you apo. Pakabait ka.

Yes! Hahahaha... Makakabayad na ako ng miscellaneous fee plus may dagdag allowance pa ako! Hooo!

#KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon