Mapeh class na namin ngayon. Nandito lang ako sa upuan ko, nagsusulat nitong binabasa mo ngayon. Hahahaha.
" Rowenna?!" Tawag ng kung sinumang nilalang. Hindi ko siya pinansin. Busy ako sa pagtatype ng chapter na ito.
" Huy! Rowenna! " Sabi ng kung sinuman sabay tulak sa likod ko.
" Oh?!" Inis kong sabi pero patuloy parin ako sa pagtatype.
" Dayh? " Tawag niya. This time nilingon ko na siya. Si Hazel pala.
" Oh ano kailangan mo?" Walang gana kong sabi habang patuloy parin sa pagtatype.
" Kinakabahan ako..." Sabi niya sabay higpit na hawak sa braso ko.
" Huh? Saan?" Taka kong tanong na di siya nililingon. Busy kasi ako sa pagtatype.
" Sa grade ko sa mapeh. Sabi kasi ni sir, ngayon daw niya sasabihin ang 2nd garding grades natin." Sabi niya.
" Ano?! Ngayon na?!" Gulat kong sabi. Lumapit siya ng bahagya sa akin at tinitingnan ang tinatype ko.
" Huy! Ok ka lang? Bakit pati sinasabi mo at sinasabi ko ay tinatype mo?" Taka niyang tanong
" Wala lang. Trip ko lang." Sabi ko.
Nasa tabi ko parin si Hazel. Hindi ko muna siya papansinin, dahil busy ako. Hahahaha.
May naririnig akong mga frustrated singers na kumakanta ng Thinking Out Loud. Urgh! Nakakarindi silang pakinggan. Hindi ba sila kinakabahan sa grade nila? Pa-chill lang kasi sila. Ako, kinakabahan na ako.
Maya-maya pa ay dumating na si sir. May pagka-girlie kasi si sir. Kaya nung pagpasok niya, parang isang runway model. Hahahaha.
Nagsitigil narin sa pagkanta iyong mga frustrated singers.
" Class... Ngayon niyo malalaman ang grades niyo sa mapeh. And tomorrow, is the distribution of cards. Class... To be honest, naaawa ako sa inyo. You belong to the top section and your grades in mapeh...so pity. Konti lang sa inyo ang naka 80 above. Most ay line of seven. Marami sa inyo dito ang inaasahang makasali sa top honors. Kaya class... So anong plano niyo? Hmmm? Hindi pa ito alam ng ibang teachers. Ok, later nalang. Kumuha nalang lang kayo ng 1/8 paper... At by alphabetical ko kayo tatawagin. Lumapit lang kayo sa akin. "
![](https://img.wattpad.com/cover/30381896-288-k663375.jpg)