# F.C.

95 5 2
                                    

Umaga na. Kadarating ko lang sa school. Nasa hallway na ako, naglalakad. Ang bigat ng dala ko. May role play kasi kami mamaya.

Nagkakaunggaga ako sa paglalakad. Hayh... Wala bang naaawa riyan?

Nakita kong papalapit dito ang crush ko. Hayh... Napatigil ako sa paglalakad at tinitigan lamang siya.

* Boogsh *

Aray! Natumba ako sa sahig. May bumangga kasi saakin. Hindi ko Alam kung sino. Naman, oh! Hala ang mga gamit ko! Dali dali ko itong pinulot. Wala bang nakakapansin sa akin?! Dinadaanan lang kasi nila ako. Hayh...

Nangangawit na ang tuhod ko dahil sa pagluhod sa matigas na semento. Habang pinupulot ko ang mga gamit ko napansin kong may lumuhod din kagaya ko at pinupulot ang mga gamit ko.

Pagtingin ko...WAAAAAAAAAHHH!!!! Si crush! Aaaaaaaaaah!!!

Pinasok na niya ang mga gamit ko sa paper bag. Tumayo na siya. Hindi pa rin ako makapaniwala. Nakaluhod parin ako habang nakatingala sa kanya. Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Nanginginig ang mga kamay ko. Nanlalamig din ako.

Dahan dahan kong tinanggap ang kamay niya. Nang mahawakan ko na iyon, parang lahat ng mga balahibo ko sa katawan nagsitayuan. Take note LAHAT!

Dahan dahan akong tumayo. Binitawan ko na ang kamay niya.

" Salamat." Nahihiya kong sabi.

" No problem." Sabi niya. Iniabot na niya sa akin iyong paper bag. " Sige. Alis na ako." Sabi niya. Tumango lang ako. Lumakad na siya papalayo sa akin.

Dali dali akong pumunta sa classroom ko. Pagpasok ko sa classroom, gusto ko nang ilabas ang kanina ko pa dapat gustong ilabas.

" Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!!!!!!" Pagsigaw ko.

" Bakit?! Napano ka, Rowenna?" Pag-alalang tanong ni Jesselaine.

" Kyaaaaaah! Tinulungan ako ng crush ko!" Hindi parin ako tumigil sa pagtitili.

" Hooosh! Huys! Ano iyang pagtitili na iyan?" Tanong ni Mc Rowee.

" Che! Wala kang PAKE!" Sabi ko. Inirapan ko lang siya.

" So anong nangyari? Kwento mo naman." Sabi ni Jesselaine na halatang excited sa ikukwento ko.

Ikinwento ko sa kanya iyong nangyari.

" Talaga?! Swerte mo girl, ha?" Sabi niya.

" Oo nga, eh. Hindi parin ako makapaniwala." Sabi ko.

Nag-ring na ang bell para sa first subject namin, which is English.

Pumunta na ako sa pwesto ko. Napansin kung nagsilabasan iyong ibang kaklase ko.

" Saan sila pupunta?" Tanong ko kay Sheenaleah na katabi ko.

" Ngayon kasi ang math challenge nila." Sabi niya.

" Ahh! Ngayon pala iyon?! Nakalimutan ko! Sige alis na ako." Pagbibiro ko.

" Ang F.C. mo!" Sabi niya. " Feeling Challenger. " Sabi niya at tumawa. Tumawa narin ako.

Di nagtagal dumating narin si ma'am.

" Oh bakit konti lang kayo ngayon?" Tanong ni ma'am

" May Math Challenge po sila ma'am. Ahh... Jeah! Asan iyong excuse letter nila?" Sabi ni Sheenaleah.

" Nasa akin Sheen." Sabi ni Jeah at iniabot kay ma'am yung letter.

" Ok. Who's absent today?" Tanong ni ma'am. Nagchecheck na kasi siya ng attendance.

" Si Micuil po ma'am. " Sabi ni Kenny.

" Kasali rin ba siya sa Math Challenge? " Tanong ni ma'am.

" Hindi ma'am. Pero challenger po siya....challenger sa sakit niya." Sabi ni Kenny. Nagtawanan ang mga kaklase ko.

" Why? What happen to him?" Tanong ni ma'am.

" Sinumpong nanaman po ng sakit niya ma'am. " Sabi ni Kenny.

" Nanaman? Masakitin talaga yang baklang iyon, noh? Kulang sa immunity. " Sabi ni Sheenaleah.

" Paano kasi, puro kabaklaan ang nasa utak. Nakalimutan na ang kalusugan." Sabi ni Oddyssie.

Nagtawanan ang mga kaklase ko.

" Ok tama na iyan. May iba pa bang lumiban?" Tanong ni ma'am.

" Wala na po ma'am. " Sabi ni Sheenaleah.

Nagdidiscuss na si ma'am. Shock parin ako. Hindi parin kasi ako makapaniwala na tinulungan ako ng crush ko kanina.

Hindi ko mapigil ang kasiyahang nadarama ko ngayon.

" Kyaaaaaaaah!" Hindi ko na kasi mapigilan. Tumili na ako. Napansin kong tumigil si ma'am sa pagdidiscuss at tumingin siya sa direksyon ko pati ang mga kaklase ko.

" Aah-ahh-ahh... May ipis kasi. Hehehe." Pasaring ko.

Naku naman, oh. Nakakahiya. Feeling ko ang pula pula ko na ngayon. Uminit kasi ang mukha ko. Yumuko nalang ako ng bahagya para di nila mapansin ang pamumula ko.

------------

Tanong ko lang....
Alam ba ng mga zombies na wala na silang utak?

Author's kaeklabushan:

Hope I can turn water into food.

#KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon