# Ladies

158 13 6
                                    

Mahirap talaga maging babae. Lalung-lalo na 'pag araw ng kabwanan... Regla for short. Kainis, eh noh? Ba't kami lang mga babae ang nireregla?! Unfair sa inyong mga lalaki!

Tuwing nireregla kasi kaming mga babae... Mag-iiba ang mood namin...magagalit, minsan masaya...na halatang tinitiis ang sakit sa puson, hindi komportable sa mga bawat galaw namin, laging nako conscious kung di ba nagkaroon ng back leak...pasimple lamang inuutusan ang kaibigang babae na patingnan ang back part kung diba nag-leak, may iba parang navirginan kung lumakad dahil di sila komportable... Minsan pag di na kaya ang kirot na nadarama sa puson, iniinom lamang ng gamot, magpapahinga o di kaya'y nakadapa kung humiga para mapress ang kirot ng puson. Ganoon ang mga nadarama naming mga babae! Mahirap!

Kayong mga lalaki once in a life time niyo lang ang pagpapatuli! Kami hindi! Halos kadabuwan! At pag dating ng tamang panahon pag kaming mga babae ay nag-asawa na, at nagplanong magka-anak.... Kami ang magdadala ng bata sa loob ng siyam na buwan at kami pa ang magluluwal! Hindi iyon masasabing once in a lifetime experience...dahil pag gusto pang magka-anak, kami nanamang mga babae ang mahihirapan!

Natural lang sa aming mga babae ang maging maarte sa aming pangangatawan. Siyempre! Baka mahawaan pa kami ng sakit! Mahirap na...baka makakaapekto ito sa aming fertility, baka mabaog pa kami...sige kayong mga lalaki, di kayo makakapamana ng inyong kagwapuhan.

Tuwing mananalamin kami, lagi naming tinatanong sa sarili na: presentable na ba ako tingnan? Lagi naming pinoproblema ang pagkakaroon ng pimples... Mahirap na baka magpagkamalan ka pang rice terraces. Kung anu-ano ng nilalagay sa aming mga mukha matanggal lamang ang mga rice made from stressed! Kung di effective, lilipat naman sa ibang brand. Tsk.tsk!

Hayh... Kung feel naming tumaba kami, gumagawa agad kami ng paraan, malusaw lamang ang mga namuong taba sa katawan. Hayh.... Puhunan kasi naming mga babae ang katawan namin... Bawal green minded! Puhunan means... ito ang nagbibigay ng confident sa aming mga babae upang harapin ang mga pagsubok sa buhay... Basta ganun iyon!

" Rowenna?! Sino kausap mo?!" Tawag ni mama.

" Wala po ma... Nag-o- oratorical speech lang po ako para sa individual performance namin sa school... Hehe"

Wehw! Hayh...

#KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon