# Prank

88 7 3
                                    

Nasa school ako ngayon. Sabado. May activity lang. Actually, inutusan kami ni ma'am na magfill-up sa bulletin board. Nagprisinta akong sa designs lang ako kasi dun ako magaling. Chooks! Magaling naman talaga ako, ah. Hahaha...

" Wow! Rowenna.... Ang galing mo namang mag cut outs ng mga designs..." Paghangang sabi ni April Jane.

" Hehehe... Salamat." Sabi ko.

" Asus! Mas magaling pa akong mag-design kaysa sa iyo!" Sabi ng baklang kaklase ko. Na nagngangalang Micuil. Actually Mic Vil dapat pangalan niya kaso nagkaproblema sa birth certificate niya. Buti nga! Hahahaha

" Tumabi ka nga diyan Mic... Ang pangit mo. Naiinggit ka lang kay Rowenna." Pagtatanggol ni April.

" Hmp!" Umirap lang ang bakla. Hahahaha

Nagtawanan kami ni April.

" Guys! Listen up! Narinig niyo iyon?" Sabi ng President namin.

Natahimik kami kaagad. At pilit na pinakinggan kung ano ba ang dapat marinig.

" That's the sound of silence... " Sabi ni Miss Pres.

" Loka loka ka pala Miss, eh! Akala ko na kung ano." Sabi ni Kenny.

" Si Miss talaga..." Tanging nasabi ni Maria Hazel.

Ako ngumiti lang ng bahagya.

" Pero seryoso... Pagkatapos nito...uhm... Saan tayo pupunta?" Tanong ni Miss.

" Sa Mall!" Presinta ni Kenny.

" OK. Bilisan na natin nang matapos na." Sabi ni Miss.

" Miss... May plano ako." Sabi ni Kenny.

" Ano iyon?" Sabi ni Miss. Ibinulong lang ni Kenny kaya di namin narinig.

-------------

Natapos na din naming gawin yung pinapagawa ni ma'am. Nasa mall na kami. Alam na rin namin anong plano nila. Nakakaloka ito!

Naglalakad lang kami... Na feel naming para kaming model. Kasama ko sina Miss, Kenny, at Micuil. Yung iba kong kaklase pumwesto na.

Naglalakad lang kami. Hanggang sa may nakabunggo kaming apat na babae. Tig-iisa silang may dalang Caramel shake kaya natapon sa aming damit iyon. Ugh! Kadiri!

" Watch where you're going, STUPIDS! " Sabi ni Micuil.

" Urrrgggh!!! Look at my fabulous dress?! You! You must pay for this!" Sabi ko.

" Eww!! I hate caramel! You! Look what you've done?!" Sabi ni Miss.

Dahil may dala akong juice, kinuha iyon ni Kenny at binuhos sa ulo ng apat na babae. Na shock yung apat na babae.

" There... Di kasi kayo nag-iingat." Sabi ni Kenny.

" How dare you!" Sabi nung isang babae. Sinugod niya si Kenny at sinabunutan.

Yung tatlo sumugod na rin sa amin.

" Aaahhh!" Sigaw ko dahil hinila yung buhok ko. Sinabunutan ko rin siya.

" Aahhh!" Sigaw din niya.

" Ouch! My rebonded hair!" Sabi ni Micuil. As if may mahabang buhok.

Napansin kong pinagtinginan na kami ng mga tao. May sumisigaw na go fight, fight. May iba sumigaw na tumigil na kami. Bahala sila riyan.

Patuloy parin kaming nagsasabunutan.

Hanggang sa may narinig kaming may pumito. Hala! Nakita kong papalapit na ang security guard dito.

Papalapit na papalapit na ang security guard..... OMG! Oh My Goose!

At....

" Cut!" Sigaw ni Angelie.

" Nakuha mo ba ng maayos iyong eksenang iyon?" Tanong ni Angelie kay April na nagvivideo sa amin kanina gamit ang phone niya.

Natulala iyong mga tao sa mall at si manong guard.

" Hehehe..." Tanging nasabi namin sa kanila. Ang nakasabunutan namin ay kaklase rin namin. Sina: Agnes, Jay-Ann, Annabeth, at si Anzen.

Hahahahaha... Ito ang plano namin. Hahahahaha....

Peace nalang sa inyo...

--------

Author's ka.eklabushan:

Hope I can draw my feelings using an invisible ink.

Tanong ko lang....
May salawal din ba ang mga multo?

#KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon